PAGRERETIRO NG 3 COMMISSIONER, HINDI APEKTADO ANG HALALAN
- Published on February 5, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na ang kanilang paghahanda para sa halalan sa Mayo ay hindi mahahadlangan ng pagreretiro ng tatlong senior officials .
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang nasabing preparasyon ay matagal nang ginagawa at natugunan na sa nakaraang buwan
“Remember that when running the elections, you’re talking about setting in motion preparation that was put in place while there were six of them. Now, we are at the stage where we are implementing these processes. A lot has gone from level of policy to level of operations. That’s what we are doing now,” sabi ni Jimenez sa virtual press briefing.
Nagpahayag din ng kumpiyansa si Jimenez na makakayanan ng mga natitirang opisyal — acting chair Socorro Inting at Commissioners Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay — ang mga hamon.
“They have to have a quorum at all times. Because if a matter is elevated to them, they’re going to have a quorum to get things done. That’s the challenge. But in terms of getting things going, there is no problem,” dagdag pa nito
Dagdag pa ni Jimenez, hindi maglalabas ng apela ang poll body para sa agarang appointment ng mga bagong commissioner.
“We trust that the executive is aware of the timelines we are dealing with, and the demands on the new appointees when they do come. We will leave it to the discretion of the appointing authority,” ayon pa kay Jimenez.
Nitong Lunes, sinabi ng Malacañang na may shortlist na si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng appointees na maaring pumalit sa tatlong nagretirong opisyal na sina Chairperson Sheriff Abas, Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.
Samantala, idinagdag ni Jimenez na naghahain siya ng resignation bilang tagapagsalita ng Comelec upang bigyan ng pagkakataon si Inting na pumili ng sinumang nais niyang italaga sa posisyon.
“I do it every time there is a change in chairmanship whether it’s’ actual chairmanship or acting chairman, I offer my resignation as spokesperson,” ani Jimenez.
Gayunman, tatanggapin pa rin nito ang nasabing posisyon kung siya ay muling pipiliin. (GENE ADSUARA)
-
Krudo papalo na sa P100 kada litro
PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa. Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022. […]
-
9 na bayan sa CamSur, lubog pa rin sa tubig-baha -PBBM
SIYAM na bayan sa Camarines Sur ang nananatiling nakalubog sa tubig-baha dahil sa naging pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine. “So, in CamSur right now as of about one hour, of the 36 towns, nine towns are still fully submerged. Around six towns are partially submerged,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong […]
-
Mga nasirang simbahan ng bagyong Odette, ipapagawa ng Caritas Manila
TULUYAN nang maipapagawa ang mga simbahan at chapels na winasak ng bagyong Odette sa 10-diyosesis ng Simbahang Katolika sa Visayas at Mindanao. Ito’y sa tulong ng matagumpay na PADAYON ONLINE CONCERT ng Caritas Manila na pinangunahan ng Viva artists noong March 25,2022 kung ang malilikom na pondo ay ipapagawa sa mga nasirang simbahan. […]