• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagreserba ng isang tao sa public parking space, ipagbabawal

NAKAPALOOB ito sa inihaing House Bill 11076 o Mindful Parking Act na inihain ni Akbayan Party List Rep. Percival Cendana.
Ayon sa mambabatas, isa sa mga kinakaharap ng mga pinoy ang lumalaking bilang ng kakulangan sa parking space kasabay na rin sa pagdami ng sasakyan.
Noong 2018, napa-ulat na ang vehicle density sa Metro Manila ay nasa 1,895 sasakyan per kilometer of road, kumpara sa Singapore na 230 sasakyan kada kilometer of road.
Noong 2017, sa pag-aaral na kinomisyon ng Uber, nabatid na ang Metro Manila ay nangangailangan ng carpark na doble ang laki sa Makati City upang ma-accommodate ang lahat ng sasakyang bumibiyahe sa kalsada dito.
Dahil sa kakulangan ng mapaparadahan, may mga pagkakataon na ilang indibidwal ang tatayo, ookupa, magrereserba o haharang sa isang parking spcae upang hintaying makapagparada ang kanilang sasakyan at maharangan ang iba na magamit ito.
Hindi na aniya nasusunod ang prinsipyong first come- first served basis bukod pa sa maglalagay sa panganib sa indibiwal na tatayo para hadlangan ang ibang sasakyan na makaparada sa parking space.
Sa panukala, ipinagbabawal ang physical occupation ng parking space na may multang P2,000 sa unang opensa; P5,000 at suspension ng driver’s license sa loob ng 6 na buwan sa ikalawang paglabag at P10,000 at revocation ng driver’s license sa ikatlong paglabag.
Ang mga private establishments ay dapat magpatupad ng kanilang sariling polisiya sa pagpapatupad ng parusa o multa.
Habang ang LTO naman ang siyang mayroong administrative jurisdiction sa mga paglabag. (Vina de Guzman)
Other News
  • Fil-Japanese golf player Yuka Saso umangat ang world ranking

    Umangat ang world ranking ni Filipina-Japanese golf player Yuka Saso.     Base sa Rolex World Ranking nasa pang-8 puwesto ang 19-anyos na si Saso.     Naging malaking tulong ang pagkampeon nito sa 76th US Women’s Open sa San Francisco na siyang kauna-unahang Filipina na nagkampeon sa nasabing torney     Nahigitan nito si […]

  • Excited na rin sa kanilang Christmas vacation: KIM, gustong mapanood si XIAN na mag-direk pero ‘di pinapayagang dumalaw

    NATUWA ang mga fans ni Kapuso actor Tom Rodriguez, nang mag-post ang manager niyang si Popoy Caritativo ng “see you soon!”     Dahil very active na rin muli si Tom sa kanyang Instagram, marami ang nag-post ng comments na natutuwa sila kung magbabalik na muli si Tom sa pag-arte dahil nami-miss na nila ang […]

  • Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson

    PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9.     Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa […]