• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsalang sa bakuna kontra COVID, inihirit na isama sa mga kondisyones sa pagtanggap ng 4ps

IPINANUKALA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon ang mapasailalim sa vaccination program ng pamahalaan ang mga benipersaryo ng 4Ps.

 

Ang panukalang ito ni Sec. Roque ay bunsod ng vaccine hesitancy at umano’y ulat na nasa 30 porsiyento lamang ang nais na sumalang sa bakuna.

 

Aniya, kung maisama sa kondisyon ang pagsalang sa bakuna ng mga nakikinabang sa 4Ps ay tiyak na tataas ang bilang ng mga mababakunahan lalo na sa hanay ng mga mahihirap.

 

Aniya pa, hindi lamang sa 4Ps beneficiary maaaring maikabit ang vaccination program ng gobyerno.

 

At kung sakali namang magkaroon ng bagong ayuda sa hinaharap sa pamamagitan ng Bayanihan 3 ay maaari ring maidugtong dito ang pagbabakuna.

 

Subalit, nilinaw ni Sec. Roque na mananatili itong boluntaryo at walang pilitan ang nasabing kondisyones para makatanggap ng ayuda. (Daris Jose)

Other News
  • Bagsak presyo ng bigas, mararamdaman sa Enero

      TINAYA ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na sa Enero ng susunod na taon pa mararamdman ng taumbayan ang bagsak presyo ng bigas sa bansa.     Ito ayon kay Laurel ay kahit na nagdesisyon ang pamahalaan na bawasan ang taripa sa importasyon ng bigas simula sa susunod na buwan ng Oktubre. […]

  • Ads August 23, 2022

  • $10 bilyong investment nakuha ni Pangulong Marcos sa Japan trip

    NAKUHA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa $10 bilyong halaga ng investment mula sa limang araw na working visit sa Japan.     Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang ibig sabihin nito ay P550 bilyon at libu-libong trabaho.     Paliwanag pa ni Pascual na nasa bola na ngayon ng Pilipinas kung […]