• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19.

Sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary, Usec. Joji Aragon, malaki ang maitutulong ng programang ito sa DOLE upang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga mamamayan na wala ng binalikang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang mga kompanya o mga pinapasukang business establishments.

Sinabi pa ni Aragon, kapag naipatupad na ang emergency employment sa ilalim ng tupad program, agad na nilang masisimulan ang tinatawag na community-based emergency employment na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan na nawalan ng mapagkakakitaan.

Aniya pa, sisimulan ang implementasyon ng programa sa mga rural areas hanggang sa mga urban places.

Sinasabing, ilan lamang sa mga maaring maitulong ng TUPAD program ay ang pagLikha ng mga trabahong may kaugnayan sa paglaban sa covid19, tulad aniya ng pagiging contact tracer, data encoDer Sakaling mayroon backlog sa mga pag-input ng mga COVID cases at ang occupational safety and health. (Daris Jose)

Other News
  • Kasama ang ilang gay celebrities: KLEA, proud na ma-feature sa ‘pride month issue’ ng isang magazine

    NAGHAHANDA na ang Sparkle actors na sina Rayver Cruz, Derrick Monasterio, at Ken Chan para sa GMA Gala 2024 na mangyayari sa July 20.     Collaboration ng stylist na si Ivor Julian at designer na si Ryan Ablaza Uson ang susuotin ng tatlo.     Ayon kay Rayver: “Sabi ko lang sa kanila, na […]

  • Priority Group A4 list, aprubado na

    INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.   Ang Priority Group A4 ay kinabibilangan ng mga commuter transport (land, air, at sea), kasama ang logistics; public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa mga groceries, supermarkets, delivery services; mga manggagawa sa paggawa […]

  • Change of command ng PSG, dinaluhan din…

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang aktibidad ngayong Lunes.     Batay sa advisory ng Palasyo ng Malacanang, unang dumalo si President Marcos sa inaugural executive committee meeting sa Department of Agriculture (DA) na kanya ring pinamumunuan.     Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali isinagawa ang inaugural committee meeting sa […]