• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19.

Sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary, Usec. Joji Aragon, malaki ang maitutulong ng programang ito sa DOLE upang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga mamamayan na wala ng binalikang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang mga kompanya o mga pinapasukang business establishments.

Sinabi pa ni Aragon, kapag naipatupad na ang emergency employment sa ilalim ng tupad program, agad na nilang masisimulan ang tinatawag na community-based emergency employment na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan na nawalan ng mapagkakakitaan.

Aniya pa, sisimulan ang implementasyon ng programa sa mga rural areas hanggang sa mga urban places.

Sinasabing, ilan lamang sa mga maaring maitulong ng TUPAD program ay ang pagLikha ng mga trabahong may kaugnayan sa paglaban sa covid19, tulad aniya ng pagiging contact tracer, data encoder. Sakaling mayroon backlog sa mga pag-input ng mga COVID cases at ang occupational safety and health. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads March 23, 2024

  • DepEd, target ang 100% na pagpapatuloy ng in-person classes sa susunod na school year

    HANDA na ang bansa para sa “full and nationwide implementation” ng face-to-face classes sa susunod na taon.     Iyon nga lamang ang modalities ay depende sa lokasyon ng eskuwelahan.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, may 73.28 porsiyento ng kabuuang bilang ng pampublikong eskuwelahan […]

  • Bierria, iniiwasan ng Cignal ang pagbagsak, natigilan ang Petro Gazz sa 5

    Nakaiwas ng malaking abala ang Cignal, pinabagsak ang Petro Gazz sa limang set, 25-22, 34-32, 15-25, 16-25, 15-13, upang palakasin ang kanilang semis bid sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference, Huwebes sa ang Smart Araneta Arena.   Pinangunahan ng American reinforcement na si Tai Bierria ang HD Spikers na may 19 puntos sa 18 […]