• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasanib ng Landbank at DBP aprubado na kay PBBM

APRUBADO kay  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP).

 

 

Ito’y sa harap ng nakikita ng pamahalaan na kailangang magtipid. Base  sa assessment ng gobyerno ay aabot sa P5. 3 bilyong piso sa unang taon ang maisusubi at aabot naman sa  P20 bilyong piso  para sa unang apat na taon.

 

 

“Merger of DBP and LBP approved,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

 

 

“Yes, approved by PBBM,” dagdag na wika ni Diokno.

 

 

Sa Malacanang Press briefing, sinabi ng Kalihim na target nilang maipatupad ang merging bago matapos ang taon.

 

 

“By merging the two, it will now become the Number 1 bank n the Philippines aside from Benco De Oro (BDO) in terms of assets.”

 

 

Aminado naman ang Kalihim na may maapektuhang mga empleyado sa nasabing balakin subalit tiniyak naman nito na may separation package silang iaalok para sa mga maaapektuhan.

 

 

Ani Diokno, may 147 ang sangay ng DBP,  nasa 22 na lamang ang pananatilihin nito habang wala namang nabanggit kung sa 752 branches ng Landbank of the Philippines ay ilan ang mare- retain.

 

 

Sa halip, ipakakalat pa aniya ng pamahalaan ang Landbank sa iba’t ibang Local Government sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Libreng bakuna laban sa Covid-19 na ibibigay ng LGUs, welcome sa Malakanyang

    WELCOME sa Malakanyang ang ikinakasa ng pamahalaang lokal ng Maynila, Makati, Pasig, Valenzuela, Navotas at Paranaque na pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nangangahulugan lamang na maraming budget para bumili ng vaccine.   “Well, unang-una .. lahat po ng transaksyon sa mga manufacturer will be government to […]

  • REGISTRATION PARA SA NATIONAL ID SYSTEM, SISIMULAN SA OKTUBRE 12 – PSA

    NAKATAKDANG simulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mass registration para sa National ID System sa darating na Oktubre 12.   Ito ay matapos na hindi natuloy ang mass registration noong Hulyo dahil sa COVID- 19 pandemic.   Sinabi ni PSA Asec. Rosalinda Bautista na prayoridad nila sa registration ang 5 million na low-income households […]

  • “DRUG QUEEN” TIMBOG SA P13 MILYON SHABU SA MALABON

    MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 23-anyos na bebot na binansagan ng mga pulis bilang “drug queen” matapos matimbog sa buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni Malabon police chief Col. Albert Barot kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo […]