• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasapinal ng supply agreement na Johnson & Johnson, ilalatag na

ISASAPINAL na ngayong araw ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson.

 

Makikipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha din ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer.

 

Maliban sa Johnson & Johnson’s ay tinatrabaho din ani Galvez nila na maisapinal na din ang kasunduan sa kumpanyang Gamaleya na siya namang manufacturer ng Sputnik V.

 

Samantala, apat na mga vaccine manufacturers ang natapos nang makapirmahan ng pamahalaan para sa supply agreement at ito ay ang Sinovac, AstraZeneca, Moderna at Novavax.

 

Tiiwala naman si Galvez na pagdating ng Abril ay pulido’t tapos na ang lahat ng kailangang kontrata sa lahat ng mga kumpanyang target na angkatan ng bansa ng bakuna kabilang dito ang Pfizer.

 

“Magkakaroon po kami ng meeting tomorrow and hopefully we can finalize the supply agreement po. Iyong supply agreement po ng lahat po ng ating—ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna and Novavax had been finalized and we will be finalizing iyong supply agreement po namin sa Johnson & Johnson’s and the Gamaleya,” ayon kay Galvez.

 

“We have also a meeting with Pfizer this morning and hopefully all of these contracts will be finished this coming first week or second week of April,” dagdag na pahayag ni Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • May concert series at musical play kasama si Regine: OGIE, todo ang suporta sa pagbabalik-Big Dome ni MARTIN

    NAGING matagumpay ang ginanap na trade launch noong Huwebes (May 23) ng ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management Inc.) ang company na pinamumunuan ng OPM Icon na si Ogie Alcasid. Kasama sa naturang big event sina Martin Nievera, Vhong Navarro and Jhong Hilario with the Streetboys, Lara Maigue, Gian Magdangal, Amy Perez, Randy Santiago, […]

  • Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya

    KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media.     Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account.     Update na may kinalaman sa post niya a month ago […]

  • Mga nakabili ng tickets para sa FIFA World Cup 2022 aabot na sa halos 3-M

    AABOT na sa halos tatlong milyon tickets ang naibenta para sa FIFA World Cup sa Qatar.     Ayon kay World Cup Chief Operating Officer Colin Smith na ang pangunahing bansa na nakabili ng tickets ay mula sa Qatar, US, at Saudi Arabia.     Sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 2.89 milyon ang […]