Pagsipa ng online registration ng PhilSys, pinuri ni PDu30
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsisimula ng online registration ng Philippine Identification System (PhilSys) noong Abril 30.
ito’y matapos na humingi ng paumanhin si National Economic Development Authority (NEDA) chief Karl Chua para sa “technical difficulties” na sumira sa pilot registration via “online portal” para sa national ID registration.
“I have conveyed my sincerest apologies to the Filipino people for the inconvenience at ngayon po kausap namin araw-araw ang mga international and local experts para matulungan tayo na iimprove yung capacity. Dahil ito ay isang pilot , we will make sure to learn from our experience,” ang sinabi ni Chua kay Pangulong Duterte sa Talk To The People, Lunes ng gabi.
Agad namang pinakalma ni Pangulong Duterte si Chua sabay sabing nagustuhan niya at pinasalamatan ito sa pagsisikap na maitulak sa pamamagitan ng pilot registration sa kabila ng naharap sa problema sa online portal.
“This is something which has been the dream of every administrator in government. I congratulate you. Do not worry. You have your precious time to the people. Saludo ako diyan ” ayon kay Pangulong Duterte.
Inaalala ni Pangulong Duterte kung paano ang nakalipas na administrasyon ay nagtangkang magpatupad ng ilang anyo ng national ID systems subalit nabigo dahil sa protesta mula sa makakaliwa.
“Matagal na talagang gusto natin ‘yan, ang problema ang una, the loudest you could hear at the time was the Left. Ayaw nila kasi it will identify them. May syndrome e, may syndrome sila so di natin masisisi ,” ani Pangulong Duterte.
Sinabi naman ni Chua na ang website, na idinisenyo para i- accommodate ang 16,000 ‘simultaneous users’ kada minuto ay umabot ng 35,000.
Aniya, may ilang 46,000 Filipino, o tatlong beses sa normal capacity, ang nais na magparehistro sa kahalintulad na oras sa unang minuto.
Kaya ang resulta, marami ang hindi naserbisyuhan dahil dumanas ang sistema ng pagkabagal at downtime.
Samantala, pinasalamatan naman nito ang mga Filipino na nakapag-rehistro na at naghihintay na lamang ng kanilang national ID.
“Yung pagdagsa po nila sa registration last April 30 online ay isang patunay na maraming Pilipino ang may gustong kumuha ng national ID at pag may national ID na po sila ay mabibigyan pa natin sila ng mas maraming serbisyo at matutulungan natin yung recovery ng ating bansa,” aniya pa rin.
Taong 2018, tinintahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11055 o the Philippine Identification System Act, “to establish a single national ID for all Filipinos and resident aliens.”
Sinabi ng mga Economic managers na makatutulong ang national ID para mapabilis ang distribusyon ng ayuda, mapalalawak ang access sa financial services, at i-streamline ang Covid-19 vaccination program. (Daris Jose)
-
Marc Pingris hindi pa tuluyang nagretiro sa paglalaro ng basketball
Hindi pa tuluyang nagretiro sa paglalaro ng basketball si PBA star Marc Pingris. Inanunsiyo kasi ng Nueva Ecija Rice Vanguards na pumirma sa kanila ang nine-time PBA champion para sa 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Invitational Cup. Gaganapin ang torneo mula Disyembre 11 hanggang 23, 2021. Sinabi ni […]
-
2 piloto ng PAF, patay sa plane crash sa Bataan
PATAY ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan umaga ng January 25, Miyerkoles. Kinilala ang mga biktima na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos. Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco, lulan ang […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DOT at ECPAT, isinagawa ang Child Safe Tourism seminar
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pinagsama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Kagawaran ng Turismo-Rehiyon III at ng End Child Prostitution, Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) Philippines, naisagawa ang Child Safe Tourism Seminar sa pamamagitan ng Zoom kamakailan. Tinalakay sa nasabing seminar ang pinakabagong programa ng Kagawaran ng Turismo […]