• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsusuot ng facemask muling hinikayat dahil sa mabilis na pagkalat ng bagong Omicron subvariant ng COVID-19

HINIMOK ng World Health Organization na dapat isaalang-alang ng mga bansa ang pagrekomenda na magsuot ng facemask ang mga pasahero sa mga long-haul na flight, dahil sa mabilis na pagkalat ng pinakabagong Omicron subvariant ng COVID-19 sa United States.

 

 

Sa isang pahayag ng World Health Organization, sa Europe, ang XBB.1.5 subvariant ay nakitang mabilis na lumalaking bilang na kaso ng Covid19.

 

 

Dapat payuhan ang mga pasahero na magsuot ng mask sa mga lugar na may mataas na peligro tulad ng mga long-haul na flight, ayon sa senior emergency officer ng nasabing organisasyon partikular na sa Europe.

 

 

Ang XBB.1.5 ay ang pinakamabilis kumalat na subvariant ng Omicron na nakita sa ngayon na umabot sa 27.6% ng mga kaso ng COVID-19 sa United States para sa linggong natapos noong Enero 7.

 

 

Sa ngayon, mahigpit na nagpapaalala ang World Health Organization na panatilihin pa din ang pag-iingat kaugnay nakamamatay na virus na kumakalat saan mang sulok ng ating mundo.

Other News
  • Ads April 30, 2024

  • 2 Grab driver timbog sa P272K shabu sa Valenzuela

    Kulong ang dalawang Grab driver na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ang mga naarestong suspek na si Richard Nicolas, 42, Grab driver ng 17 E. Guniguni […]

  • BAGONG COMELEC CHAIRMAN NANGAKONG DEFENDER NG DEMOCRACY

    NANGAKO  na maging “tagapagtanggol ng demokrasya,” ang bagong hinirang na Chairman ng  Commission on Elections (Comelec)  nitong Miyerkules sa kanyang pormal na pagkakaluklok bilang Chairman ng poll body.     Sa isang seremonya ng pagsalubong kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, binanggit nito na sa ilalim ng kanyang termino ay palalakasin niya ang “sanctity of vote […]