• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsusuri sa education curriculum, suportado ni PBBM

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang suriing mabuti ang education curriculum ng bansa upang ihanda ang mga estudyante na may  skills o kasanayan na kinakailangan ng iba’t ibang industriya at tugunan ang umiiral na  job mismatch.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na napag-usapan sa lingguhang Cabinet meeting, araw ng Martes ang mga concerns hinggil sa “skills at competencies” ng mga manggagawa at paraan kung paano mag-produce ang PIlipinas ng mga graduates.

 

 

“Among the suggestions to address these standing issues include a reform of the current curriculum since the rise of automation has posed a threat to many jobs,” ayon kay Cruz- Angeles.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang Cabinet meeting via teleconferencing lalo pa’t siya ay nananatiling nasa isolation matapos na magpositibo sa  testing para sa  COVID-19.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng kanyang gabinete na ang “basic education skills and knowledge” ay kailangan na mapahusay upang ihanda ang mga estudyante sa hangarin ng mga itong isulong ang  “higher level of learning.”

 

 

“That’s exactly what is happening. That is why we have to look at the curriculum as well. Not only of TESDA (Technical Education and Skills Development Authority), but also even our diploma courses,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kanyang PowerPoint presentation,  binigyang diin ni Trade Secretary Alfredo Pascual  ang pangangailangan para muling suriin ang education curriculum partikular na ang “basic at tertiary education.”

 

 

“Basic skills must be instilled on students,” ayon kay Pascual sabay sabing  pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsisikap nito na matulungan ang mga unibersidad  na i- develop  ang micro-credentialing systems  upang makahabol sa fast-changing technological advancements.

 

 

“We’re developing or helping universities develop this system of micro-credentialing because technology is changing very fast. There is a need for workers to update themselves, to reskill or upskill,” ayon kay Pascual.

 

 

Tinukoy naman ni Pascual ang kaso ng National University of Singapore  na nag-alok ng “focused but short courses” sa ilang teknolohiya at pinagkalooban ang mga estudyante ng micro-credential, kahalintulad ng  diploma subalit para sa isang short course.

 

 

Ipinanukala naman ng DTI secretary ang pangangailangan para sa PIlipinas na magpadala ng mga  Filipino teachers sa ibang bansa para sa pagsasanay.

 

 

“Vietnam, for example, sends teachers to the United States and Europe for advanced studies,” anito.

 

 

Samantala,  upang matugunan ang kasalukuyang job mismatch, sinabi ni Pascual na ang DTI ay dapat na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at TESDA.

 

 

“We will also collaborate with the said entities or authorities, the skills development, reskilling and upskilling of Philippine workforce through our own Philippine Skills Framework,” ayon kay Pascual. (Daris Jose)

Other News
  • Perez mas maaga ng 1 linggo sa mga kasama

    MAYROONG dalawang tsansa na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa pagiging myembro ng national 3×3 at 5-on-5 national men’s basketball teams.   Kaya naman todo ang 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na si Perez na magpakondisyon para sa natatanging posibilidad […]

  • PSA target ang 5-M para sa national ID system

    Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng limang milyon mga mahihirap na pamilya para sa huling quarter ng taon para sa implementasyon ng national ID system.   Sinabi ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, na prioridad nila ang mga mahihirap na pamilya para matugunan ang problema ng mga ito ng […]

  • Ads January 21, 2023