• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTAAS NG ALERT LEVEL, IDEDEPENDE SA METRICS

NILINAW  ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa  IATF Guidelines.

 

 

Ang pahayag ng DOH ay matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media  kaugnay sa pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na posibleng i-move ang NCR sa Alert Level 2 upang makontrol ang spike ng kaso ng. COVID-19.

 

 

Ayon pa sa DOH , patuloy na sinusubaybayan ng Kagawaran ang lahat ng sukatan na ito. Hangga’t ang mga admission at kalubhaan ng mga kaso sa mga ospital ay hindi nakakaapekto sa kanilang rate ng paggamit ng pangangalagang pangkalusugan, ang Alert Level 1 ay may bisa pa rin.

 

 

Ngunit, dapat ding  alalahanin na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ay maaaring humantong sa pagtaas ng antas ng Alerto.

 

 

“Together, we can continue to stay at Alert Level 1 by continuing to wear the B-est fitted mask, I-solate when sick, D-ouble up protection through vaccination and boosters, and ensure good Airflow. All individuals who have yet to be vaccinated should do so as soon as possible, and once eligible – get boosted, as immunity wanes over time.” sabi  pa ng DOH. (GENE ADSUARA)

Other News
  • RABIYA, baka umasa kung naging aware sa tsikang magiging leading lady ni JOHN LLOYD

    NAGLULUKSA ang mga taga-Philippine television industry dahil sa biglang pagpanaw ng veteran television director na si Bert de Leon.   Pumanaw si Direk Bert ngayong November 21 dahil sa kumplikasyon sanhi ng COVID-19.   Kilala si Direk Bert sa mga TV shows na kanyang hinawakan at karamihan dito ay top-rating at tumatagal ng ilang taon […]

  • Pacquiao may inhandang ‘surpresa’ kay Ugas sa kanilang fight day

    May malaking sorpresa si boxing champion Manny Pacquiao sa laban nito kay Yordenis Ugas sa araw ng linggo.     Ayon kay Joey Concepcion ng Team Pacquiao, kakaibang Pacquiao ang makikita sa laban kontra Ugas kung ikukumpara sa laban dati kay Broner at Thurman.   Magkakaroon aniya ng pagbabago sa footwork ni Pacquiao, na ikabibigla […]

  • HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST

    PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.   Kinilala ni Northern […]