• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa evacuation centers

Posibleng dahil sa mga evacuation centers kaya bahagyang tumaas ang kaso ng may COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

Binanggit ni Duque ang nagdaang dalawang malakas na bagyo na naging dahilan para mapuno ang mga evacuation centers.

 

“Well, tama po kayo, iyong pagtaas ay puwedeng ma-attribute natin iyan o ang kadahilanan niyan ay, unang-una, nagdaan itong dalawang malakas na bagyo o Typhoon—actually, hindi lang si Rolly, Typhoon Quinta nag-umpisa na tayo; Typhoon Rolly, Typhoon Ulysses ‘no. So iyong sa mga evacuation centers natin ay posibleng naging dahilan din iyan sa kaunting pagtaas ng kaso,” ani Duque.

 

Ipinahiwatig ni Duque na mananatili sa General Community Quarantine ang Metro Manila nga­yong Kapaskuhan kaya inaasahang mas dadami ang bilang ng mga lalabas sa kanilang mga tahanan.

 

Nagbabala naman si Duque na posibleng lumawak ang hawaan at dadami ang magkakaroon ng impeksiyon kapag ini­lagay ngayong Disyembre sa modified GCQ ang mga lugar na nasa GCQ kabilang ang Metro Manila.

 

Posibleng mahirapan na naman aniya ang health system capacity ng bansa na magiging isang malaking problema.

 

Kung ibaba sa MGCQ ang GCQ, nangangahulugan na mas magiging maluwag ang restrictions at mas maraming tao ang lalabas.

 

Nakatitiyak din si Du­que na mas marami ang mamimili, mamamasyal at pupunta sa kung saan-saan kaya hindi imposibleng tumaas ang contact at transmission rate. (ARA ROMERO)

Other News
  • PDu30, nagparehistro na para sa National Identification System

    OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System. Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang. Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito. Kasabay naman ng Punong […]

  • MANILA ZOO, MAGBUBUKAS BAGO MAG-PASKO

    BAGO sumapit ang Kapaskuhan, muling bubuksan sa publiko  ang Manila Zoo, ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.     Ang Manila Zoo ay pansamantalang isinara mula noong Hunyo 2022 at ang reopening nito ay kasunod ng pagnanais ng ating mga kababayan na makapamasyal sa panahon ng Christmas season kasama ang kanilang mahal sa Buhay   […]

  • Deparment of Health, todo panawagan sa publiko

    TODO ngayon ang panawagan ng Department of Health (DoH) sa publiko na tumulong para bumaba ang bilang ng mga mayroong resistance sa antibiotics dahil na rin sa malawak na practice ng self-medication.     Sinabi ni DOH officer in charge Ma. Rosario Vergeire, kailangan daw ngayon ang whole of society approach para malutas ang naturang […]