Pagtaas ng pasahe sa MRT-3, hindi maiiwasan – DOTr
- Published on November 12, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI umano maiiwasan ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahit pa hindi ito maisapribado.
Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez kasunod ng pangamba ng ilan na tataas ang pasahe ng MRT-3 kung matutuloy ang planong isapribado ang operasyon at maintenance nito.
Ayon kay Chavez, ‘inevitable’ o hindi talaga maiiwasan na magtaas ang pasahe ng MRT-3 kahit ang pamahalaan pa rin ang namamahala dito dahil na rin sa tumataas na singil sa kuryente at halaga ng mga spare parts nito.
“Even under the government, kahit sa ngayon, minsan ay hindi maiiwasan ang fare increase not because of private support o private intervention. Sapagkat tumataas ang halaga ng mga piyesa sa buong mundo, tumataas din ang kuryente,” paliwanag pa ni Chavez sa panayam sa radyo.
“It is not only necessary but inevitable that at a certain point in time, ay kinakailangang itaas ang pamasahe. Ang tanong na lang, magkano ang itataas at ano ang kapalit nito–-magandang serbisyo,” dagdag pa niya.
Nabatid na ang planong isapribado ang MRT-3 upang mapaganda pang lalo ang serbisyo nito, ay isa sa mga panukalang pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan bunsod na rin nang nakatakda nang pagtatapos ng build-lease-transfer contract ng Metro Rail Transit Corporation sa 2025.
Sinabi naman ni Chavez na ang talakayan sa naturang plano ay nasa DOTr level pa lamang at malaunan ay ipagpapatuloy sa National Economic and Development Authority (NEDA). (Daris Jose)
-
Kaso vs Duterte, iba pa ikinakasa na ni De Lima
NAKATAKDANG magsampa ng kaukukang kaso si dating senador Laila de Lima laban sa mga taong nagsangkot sa kanya sa kasong illegal drug trade sa pangunguna ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang sinabi ni De Lima sa isang press conference sa Quezon City kaugnay ng epektong idinulot sa kanyang buhay at sa pamilya […]
-
NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na
UMAABOT na sa mahigit 11.2 milyon ang mga SIM cards na nairehistro sa bansa. Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro. Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe […]
-
World number 1 Ashleigh Barty umatras na sa French Open dahil sa injury
Napilitang tumigil sa paglalaro sa French Open si world number 1 Ashleigh Barty matapos na ito ay ma-injured. Naramdaman na lamang nito ang kaniyang injury sa second round na laban niya kay Magda Linette kung saan natalo na siya sa unang set 6-1. Matapos ang medical timeout ay tuluyan na itong […]