• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtakbo bilang VP, oportunidad na palawakin ang naaabot ng serbisyo- Mayor Sara

SA kabila ng mahirap na desisyon ay pinakinggan at pinili pa rin ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte ang panawagan na magsilbi sa bansa.

 

Matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para reelection noong Oktubre 2, patuloy pa rin ang panawagan ng kanyang supporters na tumakbo sa mas mataas na posisyon.

 

“I have thousands of supporters who cried last October 8 [during the deadline for the filing of COC) and I cannot find it in my heart to make them cry again on November 15. After the deadline, the offer to run for vice president became an opportunity to meet you halfway,” ayon kay Mayor Sara sa video message na nakalagay sa kanyang official Facebook account.

 

Ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 15 ang huling araw ang “filing of substitution.”

 

Matatandaang, noong Nobyembre 9 ay binawi ni Mayor Sara ang kanyang COC para sa pagka-alkalde ng Davao at sa halip ay ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian Duterte, ang pumalit sa kanyang puwesto.

 

Ang kandidatura ni Mayor Sara bilang bise- presidente sa ilalim ng Lakas-CMD (Christian Muslim Democrats) ay inihain ng isang kinatawan, araw ng Sabado kasunod ng naging anunsyo ng Partido Federal ng Pilipinas na in-adopt nila si Mayor Sara bilang running mate ng kanilang standard-bearer, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

Ang pagtakbo ni Mayor Sara para sa No. 2 position, ay daan upang pakinggan ang panawagan ng kanyang mga supporters na magsilbi sa bayan at maging malakas siyang tao at public servant.

 

“I am here to answer your call. I appeal to all supporters to stay calm. Let us be circumspect and stay the course,” dagdag na pahayag nito.

 

Ukol naman sa isyu na kinahaharap ng ruling party, Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), giit ni Mayor Sara na ayaw niyang masangkot.

 

“The problems of PDP are their own. Let them resolve their issues within their party,” anito.

 

“This is all politics and this will not matter in the years to come or even now when we need to focus on our country’s recovery and the people’s welfare,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • ₱6-B UP-PGH Cancer Center Project

    MAY basbas na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagtatayo ng P6-billion cancer center sa University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.     Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., NEDA Board chair ang  3rd NEDA Board Meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.   […]

  • Tilda Swinton, Idris Elba Together in the Extraordinary Epic Adventure Film ‘Three Thousand Years of Longing’

    THIS September 14 it is time to indulge your senses, uncover your deepest desires, and prepare for the adventure of a lifetime… “Three Thousand Years of Longing” is about to make your wildest dreams come true.     Helmed by George Miller (blockbuster director of countless iconic films such as Babe, Pig in The City, […]

  • CBCP, pinasalamatan ang mga guro

    Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.   […]