• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-VP ‘desisyon’ ni ex-Sen Marcos

Si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siyang nag-impluwensya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte kumbensido siyang “desisyon” ni Marcos ang pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-bise presidente.

 

 

Nobyembre 13, nagpadala ang alkalde ng Davao ng kanyang kinatawan para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente, sa ilalim ng Lakas CMD.

 

 

Ito ay nangyari dalawang araw naman matapos siyang manumpa sa naturang partido at kanyang pagkalas sa regional party na Hugpong ng Pagbabago.

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na asahang mag-aanunsyo din siya hinggil sa kanyang magiging desisyon kung siya ba ay tatakbo na rin sa pagka-bise presidente o hindi.

 

 

“In a matter of hours, you would know. I will make an announcement. Baka. Ito ano lang, para malaman ng tao na hindi ko nagustuhan ‘yung nangyari. Hindi ko naman siya (Sara) sinisisi kasi ‘di kami nag-usap,” saad ng Pangulo.

 

 

Ito ay kasunod na rin nang sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maghahain si Pangulong Duterte ng kanyang COC , Nobyembre 15. (Daris Jose)

Other News
  • Pfizer, hindi nag-demand sa Pilipinas ng gagamiting kolateral kapalit ng bibilhing bakuna sa kanila-Galvez

    SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi nag-demand ang Pfizer sa Pilipinas kapalit ng bakuna laban sa covid 19 na ipagbibili nito.   Para kay Galvez, napakabait ng Pfizer sa Pilipinas lalo pa’t nakita naman nila na may tinatawag na legal challenges ang bansa kaya’t hindi nito binago ang alok nito sa Pilipinas. […]

  • Dengue sa tag-init, babala ng DOH

    PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga lamok na naghahatid ng dengue dahil hindi umano pinalalagpas nito ang panahon ng tag-init sa pagpapakalat ng sakit.     Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na marami ang nag-aakala na tuwing tag-ulan lamang umaatake ang mga lamok na may dengue. Ngunit hindi […]

  • PDu30, inatasan ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Chief Executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit. […]