• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtalakay sa panukalang amyenda ng RTL sisimulan ng House plenary

SISIMULAN na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong linggo ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law na naglalayong maibaba ang presyo ng bigas.

 

 

Tiniyak din ni Speaker Ferdinand Martin G.  Romualdez ang masusi at mabilis na pagtalakay ng Kamara upang mapagtibay ang panukala sa ikalawang pagbasa sa Miyekules.

 

 

Ayon kay Romualdez, ang hakbang ay upang mabawasan ang halaga ng bigas na malaking tulong sa mamayang Pilipino.

 

 

Inaasahan ang agad na pagsisimula ng debate sa oras na iendorso na ng Committee on Agriculture and Food, na pinamumunuan ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga ang pag-asa ng panukalang mag-aamyenda sa RTL.

 

 

Noong nakaraang Martes inaprubahan ng komite ni Enverga ang pinal na bersyon ng House Bill (HB) Nos. 212, 405, 1562, 9030, 9547, at  House Resolution (HR) No. 1614.

 

 

Layunin ng substitute bill na palakasin ang kompetisyon at kakayahan ng rice industry na matiyak na may mabibiling bigas ang mga Filipino sa abot kayang halaga.

 

 

Kasabay ng pag-apruba ng komite ay pahayag ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na isertipika bilang ‘urgent’ ang panukalang pag-amyenda ng RTL.

 

 

Hinahangad ni Speaker Romualdez na maisabatas ang amyenda sa RTL sa Hulyo, at maibaba ng hanggang sa P30 ang kada kilo ng presyo ng bigas.

 

 

Sa kasalukuyan, nagkakahalaga ng P40-45 o higit pa sa P50 ang kada kilo ng bigas sa pamilihan.

 

 

Kabilang din sa layunin ng substitute bill ang maibalik ang mandato ng National Food Authority’s (NFA) na makapagbenta ng murang bigas sa publiko.

 

 

Upang mapanatili ang buffer stock ng bigas, bibigyan ng kapagayrihan ang NFA na bumili ng bigas sa mga lokal na magsasaka batay sa pangangailangan ng bansa.

 

 

Sa mga pagkakataon namang hindi sapat ang supply sa loob ng bansa, maaaring bumili ang NFA ng bigas mula sa mga accredited importer sa isang itinakdang bahagi ng CIF (cost, insurance, and freight) landed price.

 

 

At panghuli, maaari ding direktang umangkat ng bigas ang NFA, kung may authorization mula sa Pangulo, para lamang mapanatili ang supply at presyo ng bigas.

 

 

Saklaw din ng panukala ang pagbibigay ng pansamantalang kapangyarihan sa NFA sa pagkakataon ng biglang pagtaas ng presyo o matinding kakulangan ng suplay.

 

 

Pinalalakas din nito ang Bureau of Plant Industry upang tiyakin ang pagpapatupad ng mga pamantayan sa kalinisan at phytosanitary.

 

 

Inirerekomenda rin ng panukala ang mga pag-aayos sa alokasyon ng pondo at ang pagtatatag ng Rice Industry Development Program Management Office. (Vina de Guzman)

Other News
  • Libreng sakay sa MRT 3 extended hanggang June 30

    Pinatagal pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ng hanggang June 30.     “The Libreng Sakay program would be extended anew until June 30 to help lessen the financial burden of commuters affected by rising prices of fuel and basic commodities,” wika ng DOTr.   […]

  • Tinusok na ako – Bersola

    TINURUKAN na ng Coronavirus Disease 2019 vaccine si Premier Volleyball League (PVL) star Katherine Adrielle Bersola ng BanKo Peras Spikers.     Base isa isang tweet nitong isang araw lang ang kumumpirma  sa hakbang ng 24 na taong gulang, may taas na 5-11 at tubong Parañaque City na dalaga.     “Vaccines work,” sey ng […]

  • Sumagot ang cast sa ‘ultimate fan reactions’: ‘My Plantito’, higit 54 million views kaya may hirit na Season 2 sina KYCH

    ILANG araw makalipas ang pagtatapos ng popular na serye sa Tiktok na My Plantito, damang-dama pa ng fans ang pagkasabik mula sa emosyonal na tila rollercoaster na pag-iibigan nina Charlie at Miko.     Wala ngang duda, nakuha ng palabas ang atensyon ng mga manonood hindi lamang dahil sa nakatutuwang kuwentong boy-love, pati na rin sa mga plot twist na naglatag […]