• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTANGGAL SA BUDGET NG PAO LABORATORY UNCONSTITUTIONAL MILYONG MAHIHIRAP NA PILIPINO MAAPEKTUHAN

IGINIIT ng dalawang batikang abogado na sina Atty Larry Gadon at Atty Glenn Chong  na obstruction of justice ang ginagawa ng dalawang senador na kinabibilangan nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara kasunod ng kanilang insertion o pagnanais na huwag bigyan ng pondo ang nasabing laboratoryo.

 

Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe, chief ng Forensic Laboratory Division ng PAO na brazen abuse of power ang ginagawa ng dalawang naturang senador para matigil ang ginagawang pag tulong sa mga mahihirap.

 

“Abuso sa kapangyarihan at unconstitutional ang ginagawa ng dalawang senador na yan dahil lamang sa kalaban ng kliyente nila (Accra) ang mga tinutulungan naming mahihirap,” saad ni Erfe. Mag dudulot din ito ng tinatawag na “chilling effect” sa mga regular na empleyado ng gobyerno.

 

Sinabi naman ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, na matagal ng may “kill PAO Forensic Lab” na pinag iinitan ng dalawang senador na isang panggigipit sa mahihirap na kliyenye ng PAO upang hindi makapag testify laban sa mgannasa likod ng dengvaxia case. Patuloy naman na nanawagan ang PAO sa pangunguna ni Atty Persida V. Rueda-Acosta kay PDU30 na huwag sanang p[ayagan ang pag alis ng pondo ng PAO Forensics Lab. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • ENCHONG, wala pang reaksyon sa isinampang P1 billion cyber libel case kahit nag-public apology na sa kanyang nai-tweet

    PINANOOD namin ang interview ni Betong Sumaya sa dalawang cast ng The World Between Us ng GMA-7 na magbabalik ng muli sa primetime simula sa November 22 na sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.     Kung si Tom ay high na high pa rin na bagong kasal siya kay Carla Abellana at isa raw […]

  • Mega Job Fair sa Navotas City

    NASA 254 Navoteno ang nag-apply sa Mega Job Fair na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 118th Navotas Day kung saan tampok ang 27 na mga kompanya at ang mga ahensya ng SSS, Pag-Ibig, at PhilHealth. Sa talumpati ni Mayor John Rey Tiangco, pinayuhan niya ang mga jobseekers na pagyamanin ang kanilang kaalaman upang mas maraming […]

  • Kinatay na motorsiklo natunton dahil sa social media

    SA tulong ng kanyang Facebook at social media account, naaresto ang isang suspek at natunton ang kanyang tinangay na motorsiklo sa Bacoor City, Cavite Linggo ng hapon.     Kasong paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) ang kinakaharap ng suspek na si alias ‘Jack’ nasa wastong edad dahil sa reklamo ni Rodrigo Navarette Jr y […]