• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtapyas sa taripa sa rice imports, pinag-uusapan na- Diokno

PATULOY na tinatalakay ng Department of Finance (DoF) sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang panukalang tapyasan ang taripa sa rice imports habang naghahanap ng “the greatest good for the greatest number.”

 

 

       Sinabi ni  Finance Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang ibaba ang taripa ay kasalukuyang  tinitingnan bilang bahagi ng“comprehensive strategy” para tapyasan ang  presyo ng bigas at tugunan ang potensiyal na kakapusan dahil sa epekto ng nagpapatuloy na  El Niño phenomenon.

 

 

“As discussions are underway, the Department of Finance maintains its support for an appropriate policy response that promotes the greatest good for the greatest number of Filipinos,” ayon kay Diokno sa isang kalatas.

 

 

“Rest assured that the DOF, in coordination with other relevant government agencies and stakeholders, shall pursue programs and support measures to balance the interests of domestic rice farmers while keeping rice affordable for consumers — especially the poorest households,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. noong ito’y nasa Singapore na hindi dapat na patuloy na nakasandal ang Pilipinas sa importasyon na aniya’y naging “the easy way out.”

 

 

Makikita sa  pinakabagong data  ng Department of Agriculture (DA)  na ang presyo ng local commercial rice sa mga pamilihan sa Kalakhang Maynila ay mula  P40.00 hanggang  P66.00 per kilogram, at imported commercial rice mula P45.00 hanggang  P60.00 per kilogram, depende sa uri ng bigas, “as of September 15, 2023.”

 

 

       Inaasahan naman ng Bureau of Plant Industry (BPI) na lalago ang suplay ng bigas ng 1.4 million metric tons (MT) ngayong buwan dahil na rin sa may ilang magsasaka na ang nagsimulang anihin ang kanilang tanim.

 

 

       Sa kabilang dako, sinabi ni Diokno na ipinanukala ng DoF na bawasan ang  35% rice import tariff rates para sa  ASEAN at most-favored nations temporarily ng 0% o maximum na 10% para masugpo ang pagsirit ng presyo ng bigas.

 

 

       Sa ulat, may mga grupo ng magsasaka ang nanawagan kina Diokno at  National Economic Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na magbitiw sa puwesto, para sa kanila ang pag-alis sa taripa ay isang  “death sentence” para sa mga rice farmers at stakeholders. Kapuwa naman ipinagkibit-balikat ng dalawang Kalihim ang nasabing panawagan. (Daris Jose)

Other News
  • Ateneo center 6’10” Angelo Kouame, isa ng Filipino citizen

    Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill na siyang hudyat upang magawaran ng Filipino citizenship ang Ateneo de Manila center na si Angelo Kouame.     Ang 23-anyos at 6-foot-10, 220 lbs na si Kouame ay nagmula sa Ivory Coast at naging bahagi sa dalawa sa three-peat achievement ng Ateneo.     ng […]

  • Yorme Isko nasa Top 3 ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa

    ISANG malaking karangalan, hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa, ang pagkakabilang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang isa sa mga lalaki at babaing hinahangaan sa Pilipinas.   Tanging si Mayor Isko Moreno lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong kapuluan ng bansa ang napabilang sa […]

  • Nag-open up sa kanilang body insecurities: ENRIQUE, inaming pasmado kaya pawisin ang mga palad

    NAG-OPEN up ang mga bida ng pelikulang ‘I Am Not Big Bird’ na sina Enrique Gil, Nikko Natividad, Red Ollero at Pepe Herrera tungkol sa body insecurities.       Inamin ni Gil na pawisin ang kanyang mga palad.       “Pasmado po kasi ako, so sweaty hands. So alam niyo na kapag may […]