Pagtatanggal sa mga corrupt sa PHILHEALTH, mas magiging madali kung matutuloy ang pagbuwag dito – Malakanyang
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, mas madaling tanggalin ang bulok sa PHILHEALTH sa sandaling matuloy ang pagbubuwag dito.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng inaasahang malawakang sibakang gagawin sa ahensiya dahil sa isyu ng korupsiyon.
Ani Sec. Roque, kapag na- abolish na ang PHILHEALTH ay mas madali nang magtanggal partikular ang mga may bahid ng iregularidad.
Sa kabilang banda’y kung hindi naman aniya maa- abolish ang PHILHEALTH, mas magiging matagal ang pagpo-proseso ng pagtatanggal.
Daraan aniya sa proseso ng screening ang mga kawani ng PHILHEALTH at mula duon ay malalaman kung sino ang ma- reretain sa bagong titindig na ahensiya habang sa kabilang banda’y maasunto ang mga bugok at tiwali sa tanggapan. (Daris Jose)
-
Verifie In-announce sa pamamagitan ng Instagram account nila: JK at MAUREEN, maayos na tinapos ang higit dalawang taong relasyon
NAGTAPOS na ang more than two years na relasyon ng celebrity couple na sina Juan Karlos Labajo at Maureen Wroblewitz base sa ipinost nila last Friday, June 10, 2022 sa kanilang Instagram account na sila’y naghiwalay na. Pinost ni JK ang photo nila ni Maureen na may caption na, “Magka-ibigan na ngayo’y matalik […]
-
Ads July 8, 2024
-
OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA
BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park . Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na […]