• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac.

 

Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo.

 

Nakasaad sa  Executive Order 119  na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya na nasa ilalim ng Executive department  na magtatag ng field offices sa  National Government Administrative Center (NGAC) sa New Clark City,  na magsisilbi bilang “back-up administrative hub and may be utilized as disaster recovery center” upang matiyak na nagpapatuloy ang  public services.

 

Ang pagtatatag ng  field offices ay isasagawa ng   “phases and clusters” na idedetermina ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council.

 

Inatasan naman ng Chief Executive ang  Bases Conversion and Development Authority na tulungan ang mga concerned government agencies sa pag-secure ng “advantageous, cost-efficient and flexible logistical and financial arrangements” na may kaugnayan sa pagtatatag ng  field offices.

 

Hinikayat din nito ang government-owned or-controlled corporations, judiciary, legislature at ang  independent constitutional body na magtatag ng tanggapan sa  NGAC.

 

“The establishment of a back-up government center outside the NCR [National Capital Region] supports the policy of addressing longstanding issues on the lack of sustainable employment opportunities in the countryside, unbalanced regional development, and unequal distribution of wealth,” ang nakasaad sa  EO.

 

Ang mga Coastal community, partikular na ang mga  nasa NCR, ay vulnerable sa subsidence, pagtaas ng sea levels at pagtaas ng panganib ng tubig-baha, ayon sa Pangulo.

 

Dagdag pa ng Pangulo, ang rehiyon ay lantad din sa banta ng “catastrophic earthquake”  na maaaring maging dahilan ng paggalaw ng West at  East Valley Faults. (Daris Jose)

Other News
  • Desisyon ng IATF sa magiging quarantine status ng NCR plus bubble, ibabase sa science at hard data” – Sec. Roque

    DEDESISYUNAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) base sa “science at hard data” ang magiging quarantine status ng NCR plus bubble.   Kasalukuyan kasing nasa ilalim ang NCR plus bubble sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na nagsimula noong Abril 12 hanggang Abril 30.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga miyembro ng IATF, […]

  • Metro Manila nagpa-flat trend na sa COVID-19 – OCTA

    Nakapagtala na ng ‘flat trending’ ang Metro Manila, Davao at Bacolod City makaraan ang mataas na bilang ng kaso sa mga nakalipas na linggo, ayon sa indepen­dent na OCTA Research Group.     Base sa COVID Act Now metrics, naitala ang ‘reproduction rate’ ng ­Metro Manila sa 0.91 buhat sa 0.90 mula pa noong Abril […]

  • Mga Serbians inalmahan ang pagpapauwi ng Australia kay Djokovic

    INALMAHAN ng mga mamamayan ng Serbia ang ginawang pagpapatalsik ng Australian Government kay tennis star Novak Djokovic.     Sinabi ni Serbian President Aleksandar Vucic na tila pinahiya ng Australia ang kanilang sarili.     Habang tinawag ng Serbian Olympic Committee na ang hakbang bilang ‘scandalous’ decision.     Dagdag pa ng Serbian president na […]