• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtigil sa produksyon ng National ID cards, dahil sa terminasyon ng kontrata

 

ITINIGIL muna ang produksyon ng National ID cards matapos ang terminasyon ng isa sa mga kontrata sa ilalim ng programa.

 

Ito ang sinabi ng AllCard Inc. (ACI) subalit iginiit na hindi ito ang dahilan ng pagkaantala.

 

 

Kinumpirma ni ACI President Roy Ebora na ang printing ng ID cards ay itinigil mula nang ma-terminate ang kontrata.

 

Sa ulat, ang ACI ay may hawak na dalawang kontrata sa ilalim ng national ID program. Ang isa ay Lot 1 para sa produksyon ng blank cards at Lot 2 para sa card printing.

 

Sa pagtatapos ng Lot 1, sinabi ng ACI na hindi pa ito nakakukuha ng payo mula sa BSP kung paano itutuloy ang operasyon para sa Lot 2.

 

“We’re now in a predicament where we have two contracts with the BSP where one contract is dependent on the other contract. But the other contract cannot proceed because BSP terminate the first contract,” ayon kay Ebora.

 

Sa ulat, may 60 milyong cards ang na-produce o nagawa sa ilalim ng Lot 1 contract subalit hindi lahat ay na-print.

 

“Around 53 million to 55 million of that have already been personalized… Definitely there will be cards that will be wasted because it will not go to Lot 2 which is the personalization of cards,” ang sinabi ni Ebora.

 

Ang ACI ay kasama na sa government printing projects simula pa noong 2010, kabilang na ang card solutions para sa UMID cards ng Social Security System at Government Service Insurance System, Pagibig Loyalty cards, at driver’s license cards ng Land Transportation Office (LTO).

 

Sinasabing tinapos ng Monetary Board ng BSP ang Lot 1 contract nito sa ACI noong nakaraang linggo dahil sa ‘non-compliance’ ng contract terms.

 

Ayon naman sa Bangko Sentral, inatasan na pangasiwaan ang produksyon ng National ID cards na “it is prohibited from disclosing matters related to the pending arbitration of the contract.”

 

Para naman sa ACI, pinananatili ng kumpanya ang pagtalima nito sa requirements ng BSP sa kabila ng limitasyon sa produksyon sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

Ani Ebora, “the hiccups in card production stemmed from the materials supplier for the cards.”

 

“Concerns on the materials supplier were communicated to the BSP since 2021,” aniya pa rin.

 

“Aside from the COVID years, we also had challenges when it comes to certain materials that were sensitive to the project… We were able to escalate that because that particular material was chosen by the BSP. Unfortunately, we were not heard by the BSP in terms of our disputes with them,” ang pahayag ni Ebora.

 

Binigyang diin ni Ebora na ang pagkakasama nila sa programa ay sa card production lamang na nasa tail-end ng proyekto.

 

“We’re just printing the cards. The project actually is divided into several parts, where the PSA is the one executing it. There’s the data gathering. There’s the data processing side of the project,” ang sinabi ni Ebora.

 

“I hope the national government sees this project in totality, holistically. What were the real reasons in terms of the delay in the project,” aniya pa rin.

 

Samantala, sa kabila ng kontrobersiya, sinabi ng ACI na handa itong ipagpatuloy ang kanilang responsibilidad sa national ID program.

 

Handa rin ang kumpanya na ipatawag para sa Senate investigation para makita at mabusisi ang usapin. (Daris Jose)

 

 

Other News
  • CARLA, parang sinasadya na ipakitang ‘di na suot ang ‘wedding ring’; pag-asang sila pa ni TOM tila gumuho na

    PALAISIPAN sa mga netizens kung bakit daw sa latest picture na pinost ng Kapuso actress na si Carla Abellana ay wala na itong suot na wedding ring.           Mainit pa sa lahat sina Carla at Tom Rodriguez kaya bawat gawin nila o i-post, nabibigyan talaga ng kulay. Ang mga fans nila ay parang […]

  • 194 infra projects, ibinida ng mga eco managers ng administrasyong Marcos sa Singapore

    IBINIDA ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  sa  Philippine Economic Briefing sa Singapore ang 194 infrastructure flagship projects  na nagkakahalaga ng P8.3 trillion sa ilalim ng Build Better More program ng administrasyong Marcos.     Kabilang dito ang mga proyektong may kinalaman sa physical  connectivity, water resources at agrikultura.     Mahigit kalahati […]

  • DOTr: Bike lane network pinalawak

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na nadagdagan ng 68 na kilometro ang bicycle lane network bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na ipagpatuloy na palakasin ang active transportation sa bansa.     Nagkaron ng inagurasyon ang South at East Metro Manila bike lane network noong nakaraang linggo ang DOTr kasama ang Department of Public […]