Pagtiyak ng Comelec sa patas, malinis na halalan sa Pasig sinusugan
- Published on October 10, 2024
- by @peoplesbalita
SINUSUGAN ng pamilyang makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtiyak ng Commission on Elections para sa patas at malinis na halalan sa lungsod sa darating na midterm elections sa susunod na taon.
Sinabi ni Curlee Discaya, asawa ng kilala sa Pasig na Ate Sarah at makakatunggali ni Sotto, na hindi sila konektado at walang kinalaman sa joint venture ng South Korean Miru System, ang nanalong supplier ng technology at paraphernalia para sa halalan 2025, taliwas sa reklamo ng alkalde base sa sulat nito kamakailan sa Comelec.
Nauna namang pinahupa ng Comelec ang alegasyon ni Sotto na ang pamilya ng kanyang inaasahang makakalaban sa halalan 2025 ay umano’y bahagi ng St. Timothy Construction na kasama sa grupong nabigyan ng award para sa supply contract ng technology at mga gamit sa midterm polls.
“Hindi papayagan ng Comelec na makompromiso ang integridad ng halalan,” pagtiyak ni Comelec chairman George Garcia kay Sotto, matapos niyang iparating sa alkalde na ang St. Timothy ay kumalas na sa joint venture ng Miru Systems.
Naniniwala ang grupo na tila natatakot ang alkalde sa sariling multo nang uriratin nito ang koneksyon ng St. Timothy sa Miru Systems na siyang magpapatakbo sa 2025 automated elections.
Matatandaang noong halalang 2019 kung kailan nanalo si Sotto bilang mayor ay nagkaroon ng isyu na pinaboran umano siya ng dating operator ng automated elections kaya tinalo nya ang nakaupo noon na alkaldeng si Robert ‘Bobby’ Eusebio.
“At sa halip na siraan kami nang walang basehan ay ikonsidera na lang sana ni Mayor Sotto ang aming offer na ang construction firm namin ang gagawa ng detailed engineering plan and design para sa bagong gusali ng city hall at ang nakalaang pambayad nitong P885 milyon ay donasyon na lang namin sa lungsod para sa pagpatayo ng dagdag na ospital na kumpleto ng medical equipments at mga gamot,” pag-ungkat ni Curlee sa kanyang naunang sulat sa alkalde.
Pahayag pa niya, “Hindi lang suhestiyon yung konteksto ng nauna kong sulat sa iyo, mayor, kundi offer of donation na kung pakikinggan mo sana ay matutuwa ang ating mga kababayan dahil silang lahat, mahirap man o mayaman, ang makikinabang sa pagkakaisa natin para sa kapakanan ng Pasigueños.”
-
Pinaka mainit na heat index naitala sa 30 lugar
PATULOY na makararanas ng mataas na heat index ang maraming lugar sa bansa. Ito’y ayon sa Impact Assessment and Applications Section ng PAGASA Weather Bureau dahil nasa dangerous level pa rin ang 30 lugar kahapon kabilang ang Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan na tatlong araw nang nakararanas ng sunud-sunod na danger na heat index […]
-
DBM, pinalabas na ang P5-billion assistance para sa mga biktima ng bagyo
INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng P5 billion para palakihin ang assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga Filipino na apektado ng mga bagyo. Ayon sa DBM, ang pagpapalaki sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program […]
-
Pasig, Malabon tankers bumida sa Batang Pinoy
Patuloy ang pagpapasikat nina swimmers Arvin Naeem Taguinota II ng Pasig City at Sophia Rose Garra ng Malabon sa 16th Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex. Dinomina naman ni cyclist Maritanya Krog ng Caloocan City ang girls’ 14-15 years old criterium event. Sinikwat […]