Pagtiyak ng DFA: New York hindi ‘dangerous city’ para sa mga Filipino
- Published on September 7, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinong naninirahan at bumibyahe patungong New York City na hindi mapanganib ang nasabing lungsod.
Ang pahayag na ito ni DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose de Vega ay pagkatig sa sinabi ni Philippine Consul General in New York Elmer Cato na walang dapat na ipangamba ang mga Filipino kung napabalita man na may isang matandang pinay ang pinakabagong inatake at sinapak sa New York City.
“There is, therefore, no cause for alarm, but Filipinos living in or traveling to New York must remain vigilant and exercise situational awareness, as in any other big city,” ani de Vega.
Araw ng Martes, sinabi ni Cato na ang sitwasyon sa New York City ay hindi “reached the point where it has actually become a dangerous place which Filipinos should avoid.”
“Incidents such as those that have been taking place in the past year and a half have been happening for the longest time and have involved not only Filipinos but also people of other races. Cases of violence and other criminal acts also take place in other cities around the world,” anito.
Bagama’t hindi naman sadya na targetin ang mga filipino, sinabi ni Cato na ang mga isolated incidents laban sa mga Filipino ay tumataas.
“As such, Filipinos need to be vigilant and situationally aware when in New York,” aniya pa rin.
Noong nakaraang linggo, napaulat na may isang matandang Pinay ang pinakabagong inatake sa New York City.
Sa isang pahayag ng Philippine Consulate General sa New York, naglalakad lamang ang 74 anyos na babae sa kahabaan ng Madison avenue ng bigla siyang sinuntok.
Tumakas naman ang suspek at hindi pa nahuhuli.
Sa ibinahaging video clip ni Gen. Elmer Cato, makikita na ang matandang ginang ay bumulagta sa lupa at nangyari ito sa kasikatan ng araw.
Matatandaan na ang pag- atake sa mga asyano, Asian-American at Pacific Islanders ay lumaganap noong magsimula ang pandemya.
Kaya naman nanawagan sa US government ang mga ganitong klaseng kaso dahil sa tumataas na bilang ng hate crime sa bansa. (Daris Jose)
-
Natupad ang wish na suportahan ang sampung entries: VILMA, inaming nag-ambag si RALPH sa movie ni PIOLO
KUNG itinanggi ni Vilma Santos ang pagiging producer ng pelikula nila ng kanyang favorite leading man na si Christopher De Leon na “When I Met You In Tokyo”, inamin naman niyang may naging ambag sa pelikulang “Mallari” si Cong. Ralph Recto. Sey pa ng multi-award winning actress, nag-share lang daw sa movie na pinagbibidahan […]
-
PBBM, inilunsad ang National Fiber Backbone Phase 1 sa iba’t ibang lalawigan kabilang ang Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglulunsad ng National Fiber Backbone-Phase 1 (NFB-P1) sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Biyernes sa Sofitel Philippine Plaza Manila-Harbor Garden Tent, na matatagpuan sa South Parking CCP Complex on Roxas Blvd., Pasay City na naglalayong palakasin ang internet […]
-
Panukalang Mandatory Immunization Program, pasado sa ikalawang pagbasa
Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang “Mandatory Immunization Program Act,” na pangunahing iniakda nina Deputy Speaker Strike Revilla at Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan. Layon ng panukala na ipawalang bisa ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization […]