• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pahayag ng PDEA na wala sa drug watch list nito si PBBM, kinontra ni Duterte

KINONTRA ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ang naging pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala at hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa drug watch list nito.

 

 

Ang pangako ni Duterte, ipalalabas niya ito sa publiko kapag nakuha na niya ang nasabing dokumento.

 

 

Araw ng Linggo, nanguna si Digong Duterte sa prayer rally laban sa people’s initiative at Charter change.

 

 

Sinabi pa nito na si Pangulong Marcos ay nasa drug watch list ng PDEA.

 

 

Hayagang itinanggi naman ng PDEA nitong Lunes na kasama si Pangulong Marcos sa kanilang drug watchlist.

 

 

Matatandaang nitong Linggo, isiniwalat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama raw sa drug watchlist ng PDEA si Marcos.

 

 

“Sabi mo ngayon, ‘yung PDEA wala raw record. Itong mga PDEA, mga ugok ‘to. Sino ba namang PDEA magbigay… ‘Sir, ito yung record mo du’n sa narco,” ayon kay Digong Duterte.

 

 

“But anyway, hanapin ko ‘yun. As soon as it is in my hands, I will release it,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Yung Presidente manghingi ng sarili niyang derogatory report, ibigay mo? Tingnan mo kung wala na si Marcos, maglabasan uli ‘yan.”

 

 

Samantala, tinawanan na lamang ni Pangulong Marcos ang mga alegasyon sa kaniya ni dating Pangulong Duterte na umano’y nasa drug watch list siya ng PDEA.

 

 

Sa ambush interview dito sa Villamor airbase bago umalis ang pangulo patungong Vietnam, sinabi ni PBBM na ang mga tirada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanya ay maaaring dahil sa paggamit umano ng fentanyl o pain killer. (Daris Jose)

Other News
  • Dept. of Finance pinaburan na ang pagtanggal ng mga POGO sa bansa

    HINDI  pa rin nagbabago pang posisyon ng gobyerno kapag tuluyan ng tinanggal ang mga Philippine Offshore Gaming Operations or POGOs.     Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na walang gaanong magiging epekto sa bansa kapag tuluyan ng tinanggal ang mga POGO.     Nais din nito na dapat hindi na mabigyan ng visa ang […]

  • HVI drug suspect kulong sa higit P.2M droga sa Valenzuela

    KALABOSO ang isang tulak ng iligal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu nang matimbig ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief […]

  • Hidilyn maagang magtutungo sa Tashkent para sa Olympic qualifying

    Mas gusto ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na maagang makapunta sa Tashkent, Uzbekistan para sa Asian Weightlif­ting Championships kesa mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kuala Lumpur, Malaysia.     “Mahirap na baka mahawa ka sa iba,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro silver  medalist sa panayam sa So She Did!” podcast. “So mas […]