Pahayag sa preemptive evacuation sa mga residente ng Agustin Street sa Valenzuela
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
IPINATUPAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang preemptive evacuation measures para sa dalawampu’t anim na pamilyang naninirahan sa Agustin St., Brgy. Karuhatan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.
Ito’y matapos maglabas ang Office of the Building Official ng Declaration of Dangerous Structures (batay sa PD 1096 o National Building Code) nitong Mayo 26, 2024, na nagsasaad na ang lugar ay nanganga-ilangan ng agarang paglikas dahil sa mga pinsala at paglilinis sa konkretong kalsada na dulot ng labis na pagtagos ng tubig.
Ang mga apektadong mamamayan sa kahabaan ng Agustin Street ay nasa tabi ng lote ng pamahalaang lungsod, kung saan itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 4-storey Legislative Building na may basement parking.
Para sa kanilang kaligtasan, ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang pinatira sa Malinta Junior High School campus at bibigyan sila ng mga pagkain at family comfort packs.
Kasama ang DPWH, nais naming tiyakin sa lahat ng mga residente na ang J. Simeon Construction Firm, ang pribadong kontratista na responsable sa pagtatayo ng Legislative Building sa tabi ng Agustin St., ay mananagot sa mga pinsalang natamo, kung mayroon man.
Magsasagawa ng agarang aksyon upang matugunan ang ugat ng isyu at magpatupad ng mga permanenteng solusyon. Kasama sa mga solusyong ito ang:
Pagwawasto ng mga kalsada at drainage system upang maiwasan ang karagdagang pag-agos ng tubig at pagguho; Pagtatasa ng pinsala sa istruktura upang matiyak ang kaligtasan at katatagan ng mga istruktura ng tirahan; at Pag-install ng retaining wall upang mabawasan ang mga panganib sa hinaharap ng pagguho at pag-agos ng tubig.
Nauunawaan namin na ang mga solusyong ito ay mangangailangan ng oras upang mabisang maipatupad. Samakatuwid, inaasahan namin na ang paggawa nito ay tatagal ng humigit-kumulang anim na buwan.
Ang mga apektadong mamamayang sa lugar ay pinapayuhan din na huwag bumalik sa kanilang mga tirahan hangga’t hindi nareresolba at nakumpleto ang pagpapanumbalik ng mga istruktura, maliban kung kinakailangan at napapailalim sa ilang mga kundisyon at mga hakbang sa pag-iingat. Ang Pamahalaang Lungsod ay magbibigay din ng tulong pinansyal sa mga apektadong pamilya na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa at maglalaan ng nakatalagang parking space.
Regular na magbibigay ng update ang pamahalaan ng lungsod sa mga apektadong pamilya at nagpapasalamat ito sa lahat para sa kanilang kooperasyon, pang-unawa, at pasensya habang nagsusumikap sa paglutas ng isyung ito. (Richard Mesa)
-
Ni-reveal sa isang video post kasama ang pamilya: IYA, buntis na naman sa ika-limang anak nila ni DREW
BUNTIS muli si Iya Villania na ika-limang anak nila ni Drew Arellano. Sa kanilang Instagram Reel, nag-post ng video at larawan ang pamilya Arellano na sumasayaw sa tugtuging “Mambo No. 5” ni Lou Bega. Isa-isang nagpakita ang mga anak nina Drew at Iya, na sina Primo, Leon, Alana, at Astro, at sa huli, […]
-
EJ Obiena, nag-courtesy call kay PBBM sa Malakanyang
NAG-COURTESY call si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., araw ng Biyernes sa Malakanyang. Balik-Pinas si Obiena matapos ang tatlong taon na pamamahinga bago pa magsisimula ang kanyang season sa susunod na taon. Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Obiena para sa karangalang dinala nito […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isinusulong ang paggamit ng digital tools
LUNGSOD NG MALOLOS – Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang paggamit ng mga pasyenteng may Tuberculosis (TB) sa Bulacan ng Digital Adherence Technologies (DAT) ng ASCENT Project (Adherence Support Coalition to End TB). Ang ASCENT na proyekto ay isinasagawa ng KNCV Tuberculosis Foundation katuwang ang Department […]