Pakikipag- ugnayan sa One Hospital Command Center, importante – Malakanyang
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
HINIMOK ng Malakanyang ang mga mamamayan na lalo na ang mga nangangailangang magdala ng kanilang mga kaanak sa ospital na dumulog sa One Hospital Command Center.
Ang paghikayat na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng marami na aniya talagang punong mga ospital at sadyang mahirap maghanap ng pagamutang maaaring pagdalhan sa isang tinaman ng COVID.
Naniniwala si Sec. Roque na makatutulong kung makatawag sa One Hospital Command Center dahil ito ang makapagsasabi kung saan pang ospital may bakante at pwedeng pagdalhan sa isang suspected COVID patient.
“Makakatulong po siguro kung tatawag tayo po sa One Hospital Command Center. Kasi doon po kapag tumawag kayo doon, sasabihin na nila kung saan kayo pupuwedeng pumunta.
Kung puno na nga po sa Metro Manila, iri-refer nila kayo sa mga ospital sa mga karatig na probinsiya ‘no. Pero kung kayo po ay mag-o-ospital-ospital, mahihirapan po talaga kayo dahil talagang marami na pong puno dahil ang mga pribadong ospital po ay up to 20% lang po naman ang kanilang COVID bed capacity ‘no. So tumawag po tayo sa One Hospital Command Center,” lahad ni Sec. Roque.
Kaugnay nito’y una ng sinabi ni Roque na nakahanda siyang makipag- ugnayan muli sa mga telecom companies para sa dagdag sanang linya para sa One Hospital Command dahil na din sa dami ng tumatawag dito.
Dito sa NCR as of April 6, nasa 79% na ang okupadong mga ICU beds habang 72% nang okupado ang mga isolation beds, 60% na ang occupancy sa ward beds habang ang mga ventilators ay nasa 61% na ang utilization rate.
“Sa buong Pilipinas, ang ating ICU beds po ay 61% utilized; ang isolation beds natin ay 47% utilized; ang ward beds ay 51% utilized; at ang ating ventilators ay 43% utilized,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
SHARON, looking forward to growing old with Sen. KIKO, pero ayaw niyang magmukhang matanda
BIRTHDAY ni Senator Kiko Pangilinan yesterday at gusto naming i-share sa inyo ang IG greeting ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang loving husband. “Happy, happy birthday to one of best fathers in the world, my Sutart, playmate, “neybor,” friend, no. 1 fan and supporter, partner, no.1 fan also of my cooking, my faithful, loving, […]
-
Paglalagay ng floating barriers ng Tsina sa Scarborough Shoal, kinondena
MARIING kinondena ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglalagay ng Tsina ng mga floating barriers sa Scarborough Shoal na magsisilbing harang sa mga Pilipinong mangingisda sa kailang tradisyunal na fishing grounds. Ayon sa mambabatas, ang hakbang ay isang malinaw na paglabag sa soberenya ng Pilipinas at […]
-
PBBM, pinuri ang PH-FRANCE direct flight initiatives, scholarship programs para sa mga Filipino student
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatiba ng French government na buksan ang direct flight mula Manila patungong Paris at plano nito na palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino students. Pinasalamatan ng Pangulo si outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz na ipinabatid sa Pangulo ang plano […]