• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia

Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito.

 

Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights.

 

Ang passenger flights mula Manila papuntang Riyadh at Dammam ay nahinto mula Dec. 21 hanggang Jan. 3, subalit ang mga passenger flights na galing sa Saudi Arabia ay nanatiling operational ng nasabing panahon.

 

“From Dec. 21, 2020 to Jan. 3, we operated cargo flights. The return to Manila carried passengers,” ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.

 

Pinahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang muling pagbubukas ng kanilang international flights matapos ang suspension noong nakaraang Dec. 21, 2020 upang maiwasan ang pagkalat ng bagong COVID-19 strain.

 

Sinabi ng PAL na pagdating ng mga pasahero sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), lahat ng hindi Saudi citizens na may edad ng mula walong (8) at pataas  ay kinakailangan na magbigay ng negative RT-PCR test result mula sa mga accredited laboratory ng kanilang bansang pinanggalingan.

 

Ang nasabing resulta ay dapat ginawa sa loob ng 72 na oras bago ang departure papuntang Saudi Arabia.

 

Dagdag pa ng PAL na dapat ang mga pasahero ay magkaron ng 7-day home quarantine simula sa pagdating nila sa KSA.

 

“As for the non-Saudi citizens who had been in any country identified as having the new COVID variant strain, they must spend no less than 14 days in another country (such as the Philippines) before entering KSA,” sabi ni Villaluna.

 

Ang mga Saudi nationals at ang may mga humanitarian at urgent cases ay exempted sa nasabing requirement, subalit kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa 14-day home quarantine sa kanilang pagdating sa KSA.

 

Mayroon daily flights ang PAL mula Manila at vice versa at may passenger flights sa pagitan ng Manila at Dammam tuwing Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes, at Sabado.

 

Sa kasalukuyan, ang PAL ay hindi tumatangap ng foreign na pasahero mula Hong Kong, Japan, Singapore, Canada at US sa ilalim ng pinatutupad na restrictions.

 

Nagkansela rin ang PAL ng kanilang flights mula/papuntang London hanggang katapusan ng Feb dahil sa mahigpit na restrictions ng pamahalaan ng United Kingdlom. (LASACMAR)

Other News
  • PRESIDING JUDGE SIBAK SANA KUNDI NAGRETIRO

    NAISALBA ng pagreretiro ng isang presiding judge ang sanay pagkakatanggal nito sa trabaho matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Inefficiency and Gross Ignorance of the law dahil sa pagkabigo niya na desisyunan ang ilang kaso na nasa kanyang sala.   Sa kabila na retirado na, nagpalabas pa rin ang Supreme Court ng per curiam resolution […]

  • MAVY, parang inamin na may relasyon na sila ni KYLINE dahil sa kanyang pinost

    MAG-POST ba naman si Mavy Legaspi ng picture ng isang mukha ng babae na kalahating lips at highlight ang dimples nito.     Hindi man kita ang buong mukha, e, makikilala naman talaga na walang iba ito kung hindi si Kyline Alcantara.     At ang pa-caption ni Mavy, “her. her smile. her dimples. Yup, […]

  • Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas

    SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen.     Sa ulat nina PSSg […]