• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa

Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema.

 

Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng mga LSIs ang health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) gaya physical o social distancing para makaiwas sa COVID-19.

 

Pero inihayag ni Sec. Roque na naiintindihan naman ng Malacañang na atat nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya ang mga LSIs.

 

“Bulag naman ako kung sasabihin kong walang pagkakamali doon. Meron pong pagkakamali don. Dapat po nagkaroon ng sistema na bagamat maraming tao doon sa Rizal Memorial Coliseum, dapat siniguro ang social distancing,” ani Sec. Roque.

 

Idinagdag ni Sec. Roque kakausapin na lamang niya si “Hatid Tulong” program lead convenor at Presidential Management Staff (PMS) Assistant Sec. Joseph Encabo na gawin na lamang regional ang pagpapauwi sa mga LSIs para maiiwasan ang pagdagsa ng nila at masusunod ang physicial distancing. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 death toll worldwide nasa 4,300 na – reports

    NADAGDAGAN pa sa kabuuang 4,300 ang death toll sa ilang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).   Sa bagong data (as of March 11), mula kaninang umaga nasa 26 ang nadagdag sa mga namatay kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mainland China.   Pinaka-marami ang iniulat mula sa Italya na […]

  • Trudeau, inimbitahan si PBBM na bumisita sa Canada sa 2024

    INIMBITAHAN ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Japan sa susunod taon para sa pagdiriwang ng  75th diplomatic relations sa pagitan ng dalawang estado.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinaabot ang imbitasyon sa Pangulo sa isinagawang bilateral meeting kasama si Trudeau sa sidelines ng […]

  • ‘Mission accomplished, Noy’

    “Mission accomplished Noy, be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother.”     Ito ang mensahe ng kanyang mga kapatid nang kumpirmahin ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III kahapon.     “He […]