Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.
Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.
Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine.
Siniguro ni Sec. Roque na kanilang ipapaaresto ang sinumang maniningil kapalit ng bakuna gayung ito’y mahigpit na ipinagbabawal.
Tiniyak ni Sec. Roque na babagsak ito sa kasong estafa na kanilang ipupursige laban sa kaninumang magbebenta ng mga paparating ng bakuna.
” Libre po ito, walang bayad. Kung mayroon pong maniningil, paalam ninyo po sa amin, paarestuhin po natin iyan for estafa,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Armadong kelot na gumagala sa Caloocan, timbog
Sa loob ng rehas na bakal magbabakasyon ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang gumagala sa Caloocan City. Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Section 28 ng R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Omnibus Election Code ang 39-anyos na suspek sa Caloocan […]
-
PDu30, gumawa ng “tamang desisyon” nang ianunsyo na magreretiro na mula sa politika
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa siya ng tamang desisyon nang ianunsyo niya na magreretiro na siya mula sa politika. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa bumabang satisfaction rating base sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey results. Makikita kasi sa SWS poll results na ang satisfaction rating […]
-
NCR, mananatili pa rin sa Alert Level 1 mula bukas, Hunyo 16 hanggang 30, 2022
MANANATILI pa rin sa Alert Level 1 ang National Capital Region na kinabibilangan ng Caloocan City, City of Malabon, City of Navotas, City of Valenzuela, Pateros, City of Pasig, City of Marikina, Taguig City, Quezon City, City of Manila, City of Makati, City of Mandaluyong, City of San Juan, City of Muntinlupa, City of Parañaque, […]