Pamahalaan, target na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Pinoy —Galvez
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
PLANO ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino laban sa COVID-19 sa kabila ng mga hadlang na mapabiis ang pagbabakuna.
“Ang atin pong main objective ay mabakunahan ang 90 million na Filipino, sa bilang po na ito mayroon po tayong babakunahan na primary series sa 28 to 30 million na katao,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa 52 milyong Filipino ang nabakunahan sa Pilipinas.
Aniya, kailangan na bumili ng gobyerno ng 70 milyong doses para sa boosters at 26 milyong doses naman ng bakuna para sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang.
“The Philippines currently has 100 million doses stockpiled,” ani Galvez.
Gayunman, nagbabala si Galvez na ang mataas na kaso ay makaaapekto sa kanilang vaccination efforts.
“Biglang pagtaas ng kaso at infection, ay malaking balakid sa ating vaccination dahil focus ng health care workers at LGU at healthcare personnel ay pondohan ang ospital at karamihan din po sa kanila ay nasa quarantine,” ani Galvez.
Samantala, sinabi naman ni NTF adviser Dr. Ted Herbosa na bumagal ang pagbabakuna dahil may ilan sa mga health workers sa vaccination centers ang pinabalik sa mga ospital sa gitna ng surge sa COVID-19 cases, habang ang iba naman ay tinamaan ng virus. (Daris Jose)
-
ANG PAGSUOT NG FACE MASK SA PRIVATE CARS
Maraming motorista ang nagtatanong Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCS) kung ano ba ang polisiya sa pagsuot ng face mask sa private cars. May hinuhuli raw kahit mag-isa lang ang driver. Naglabas ng MC 2020-2185 ang LTO noong May 12, 2020 – Guidelines in the Enforcement of Regulations issued by DOTr […]
-
“Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it” – Romualdez
CITY OF MALOLOS – “Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it. We, as Filipinos in the new generation, have responsibilities to continue the fight for freedom.” This was the message of House Speaker and Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin G. Romualdez during the commemoration of the […]
-
Ads July 2, 2020