ANG PAGSUOT NG FACE MASK SA PRIVATE CARS
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
Maraming motorista ang nagtatanong Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCS) kung ano ba ang polisiya sa pagsuot ng face mask sa private cars. May hinuhuli raw kahit mag-isa lang ang driver.
Naglabas ng MC 2020-2185 ang LTO noong May 12, 2020 – Guidelines in the Enforcement of Regulations issued by DOTr relative to the operation of Land Transportation in GCQ Areas. Sa Article III Sec 4 (b) nakasaad na all drivers and passengers of private and government vehicles must wear face masks at all times. Dito nagkalituhan dahil may mga hinuling driver kahit walang pasaherong sakay. Nilinaw naman ito ng LTO na kapag ang driver ay mag-isa lang at walang pasahero ay pwede naman ng walang suot na mask. Pero kapag may pasahero mandatory na may mask silang suot – ang pasahero at driver. Sa ngayon ay mas mataas ang penalty sa hindi pagsusuot ng mask:
- first offense ay isang libong piso P1000.
- second offense ay P2,000. at,
- third offense ay P3,000.
- fourth offense ay cancellation na ng driver’s license.
Ano naman daw ang violation? Isang motorista ang tinikitan sa expressway dahil sa hindi pagsuot ng mask ng Reckless Driving at ang penalty na binayaran niya ay P2,077. Bakit reckless driving?
Dahil sa Article IV Administrative Sanctions, Ground Procedure Sec 7 in relation sa JAO na ‘non-compliance’ with sanitary measures will be considered as reckless driving.
Ang bigat! Pero paano naman ang rider ng motor na naka helmet? Mag face mask pa ba siya? At pag walang face mask ay reckless driving baa ng kaso?
Bagamat tama lang ang paghihigpit sa pagsunod sa mga health protocols mukhang mabigat naman na i-konsidera na reckless driving ang hindi pag suot ng mask at ma-penalize ng malaking halaga.
At sana ang mga enforcers alam nila kung kailan at paano dapat ipatupad ang mga ito. (ATTY. ARIEL INTON)
-
Robredo bukas suportahan tambalang ‘Pacquiao-Isko’ sa 2022
Posibleng iisantabi ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagtakbo sa panguluhan sa 2022 kung ‘yun ang mapagkakaisahan ng koalisyon ng mga oposisyon sa eleksyon sa darating na taon. Ito nga ang ipinahiwatid ni Robredo sa panayam ng ANC, Lunes ng umaga, nang tanungin kung ano ang pagtingin niya kung sakaling maging running mates sa 2022 […]
-
Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na, pinatulan ng Malakanyang
TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance […]
-
COA, pinuna ang DOH sa ₱3B na hindi nagamit na COVID-19 response funds
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022. “Of the ₱3.055-billion unobligated funds, ₱2.414 billion lapsed and was reverted to the Bureau of Treasury,” ayon sa komisyon. Ang lapsed […]