Pamahalaang Panlalawigan, BTCVB pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo
- Published on September 18, 2020
- by @peoplesbalita
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival sa taong ito, nakipagtulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) sa Bulacan Tourism Convention and Visitors Board (BTCVB) at pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo sa isang online learning webinar sa pamamagitan ng Zoom application noong nakaraang Setyembre 11, 2020.
Mahigit isang daang practitioners at mag-aaral ng turismo at hospitality ang nakiisa sa webinar na pinamagatang “Conquering Anxiety and Depression during the Community Quarantine Among Tourism Students and Practitioners”.
Tinalakay ni Dr. Joseph Mauro Sayo ang mental health sa gitna ng COVID-19 at ipinunto na ang pangangalaga sa isipan ay kasing halaga ng pangangalaga sa katawan. Sa katunayan, hindi magiging malusog ang isa ng wala ang isa pa.
Pinayuhan niya ang mga nagsidalo na matulog ng sapat, kumain ng regular, mag-ehersisyo, maging konektado sa mga kaibigan at pamilya, isagawa ang mga relaxation techniques, at humingi ng tulong kung kinakailangan.
Para sa ikalawang yugto ng programa, ibinahagi nina Vergel Santos, Karl Pascual Del Rosario, Pamela Cindy Nuguid, at Ma. Vanessa Dela Cruz kung paano nila ginawang oportunidad ang kasawiang-palad.
Si Santos, isang head waiter sa isang cruising line at napauwi dahil sa pandemya, ay nagkaroon ng ideya sa negosyong chili garlic oil sa tulong ng kanyang pamilya; si Del Rosario, isang apektadong hotel bartender ang pumasok sa isang pizza with dip na negosyo; si Nuguid, isang cabin crew ay nadiskubre ang kanyang pagkahilig sa nutrisyon; at si Dela Cruz, isang akreditadong tour guide ang lumipat sa vlogging at negosyong milk tea.
Sa kanyang pre-recorded na mensahe, nagpasalamat si Gobernador Daniel R. Fernando sa lahat ng nakiisa sa mga programa ng Singkaban Festival kahit pa ang mga aktibidad ay isinagawa online.
“Sa ngayon, ipapakita natin na hindi kayang talunin ng pandemya ang pagmamahal sa kultura at talento ng liping Bulakenyo. Umasa po kayo na kahit nagbago na ang anyo ng ating pagdiriwang dahil online tayo at hindi face to face, mananatiling iisa ang kagalakan at pasasalamat para sa panibagong taon ng ating kasaysayan,” anang gobernador. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Presensiya ng mga OFWs sa Middle East, isang “plus factor” para makapanghikayat ng Arab investors- PBMM
ISANG malaking factor ang malakas na presensiya ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan para makapanghikayat ng mga investors mula sa Arab countries. Sa open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na welcome sa Pilipinas ang anumang major capital intensive investment lalo pa’t […]
-
Duterte, itinalaga si Torres bilang bagong Nolcom commander
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., dating Civil Relations Service of the Armed Forces of the Philippines (CRSAFP) chief, bilang bagong commander ng Northern Luzon Command (Nolcom). Pinalitan ni Torres si dating Nolcom commander, Lt Gen. Arnulfo Marcelo Burgos. Sa liham kay Department of National […]
-
GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa […]