Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DOT at ECPAT, isinagawa ang Child Safe Tourism seminar
- Published on May 5, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pinagsama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Kagawaran ng Turismo-Rehiyon III at ng End Child Prostitution, Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) Philippines, naisagawa ang Child Safe Tourism Seminar sa pamamagitan ng Zoom kamakailan.
Tinalakay sa nasabing seminar ang pinakabagong programa ng Kagawaran ng Turismo na tinawag na Tourism Integrates, Supports, and Minds Women’s Respect and Child Safety (TourISM WoRCS Program) na dinaluhan ng Bulacan Association Resort Owners at Bulacan Private Resorts.
Layunin nitong ibaba sa mga nagsidalo ang hinggil sa industriya ng turismo, epekto nito sa mga bata, mga hakbang na ginagawa upang protektahan ang mga bata, at hikayatin ang pagpapatupad ng mga polisiya at gawain upang matigil ang pagpapabaya at pananakit sa mga bata, at mahikayat sila na maging mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga bata at komunidad na rumerespeto sa karapatan ng mga bata.
Ayon sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, itinuturing ang turismo na isa sa pinakamalaking industriya na nag-aakyat ng kita sa ekonomiya at sa komunidad sa buong mundo. Ngunit, kaakibat ng mga benepisyong ito ang mga hindi magandang dulot nito sa larangan ng usaping sosyal gaya ng pagiging lantad ng kahinaan ng mga batang naghahanap-buhay at naninirahan sa mga pook panturismo.
“Matagal na nating ipinaglalaban ang karapatan ng mga bata, ipinagbabawal ang child labor at child trafficking. Ang mga kabataan po ang pag-asa ng bayan pero hindi naman po ibig sabihing pwede natin silang pagkakitaan at ibenta ang kanilang mga karapatan. Tandaan po nating responsibilidad nating mga nakakatanda, mga magulang ang ating mga kabataan,” ani Fernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mahigit P3.41-B pondo para sa Filipino scholars sa technical vocational institutions, inilabas na ng DBM
NAGLABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P3.410 billion para pondohan ang pag-aaral ng mga Pilipinong mag-aaral sa technical vocational institutions. Ito ay kasunod ng paglagda ni DBM Secretary Amenah Pangandaman noong nakalipas na araw sa special allotment release order (SARO) para sa paglalabas ng naturang pondo sa Technical Education […]
-
May appreciation post sa kanyang mom and dad: GABBI, sinamantala na makapagbakasyon sa Amerika kasama si KHALIL
NAG-ANNOUNCE na si Kapuso Primetime King and host of the number one game show ng GMA-7, ang “Family Feud” sa kanilang mga avid viewers na pwede na silang makapanood ng hulaan LIVE sa Family Feud Philippines stage. Mag-register sa gmanetwork.com/FamilyFeudAudience para makasama bilang Studio Audience ngayong Saturday, September 3, 2022. Registration is open until 7:00PM […]
-
HEALTH PROTOCOL SA FIBA, WALA PA
WALA pa umanong nakikitang protocol ang Department of Health (DOH) para maging katulad ng PBA bubble ang set up ng International Basketball Federation (FIBA) qualifiers. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, kailangan pa itong pag-usapan kasama ng ilang ahensya. Ayon pa kay Vergeire, dati na aniyang […]