Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, itinaas ang kamalayan ng publiko ukol sa disaster resilience
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Maliban sa pagiging handa, ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kampanya sa disaster resilience upang maitaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng maagap na pagtugon sa mga sakuna.
Bilang bahagi ng National Disaster Resilience Month 2022 na may temang “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan,” ang mga aktibidad ay magsisilbing panawagan sa mga national government agencies (NGAs) at lokal na pamahalaan.
Ayon kay Felicisima Mungcal, pinuno ng PDRRMO, ang mga aktibidad na kabilang sa kampanya ay ang pamimigay ng iba’t ibang IEC materials gaya ng handbooks sa COVID-19 Pandemic kasama na ang Mga Gabay Upang Proteksyunan ang Sarili, Pamilya at Pamayanan; Mga Payong Pangkaligtasan sa Panahon ng Kalamidad; Mga Payong Pangkaligtasan sa Pag-iwas at Pag-iingat sa Sunog; Bulacan 911 posters at stickers sa mga Local DRRM Officers, PDRRMO Staff, City/Municipal DRRMOs, NGOs at mga volunteers.
Magsasagawa rin ng iba’t ibang mga pagsasanay sa loob ng buwan ng Hulyo kasama na ang Basic First Aid Training for Municipal Employees sa Pandi Municipal Hall mula Hulyo 7-8 at Hulyo 12-15 at First Aid at Work Training para sa mga tauhan/lifeguards ng Bulacan private pools sa Hulyo 11-12 na gaganapin sa Tanghalang Nicanor Abelardo dito.
Samantala, magdaraos din ang PDRRMO ng pamamahagi ng Prototype Rain Gauge sa 37 SHINe School beneficiaries; pamamahagi ng COVID-19 Handbook sa mga Lungsod/Munisipalidad at sa Department of Education (DepEd) at ang Mass Graduation of Batches 1 to 3 for Crashed Vehicle Emergency Rescue Training (CVERT) Course sa Biyernes, Hulyo 15, 2022 sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.
Isasagawa rin ang Integrated Planning Course on Incident Command System (ICS Level 2) sa Hulyo 19-22 at Standard First Aid Training (SFAT) for New DRRMO Employees sa Hulyo 26-29 na gaganapin sa KLIR Waterpark Resort, na dadaluhan ng mga kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan ng PGB (PDRRMC Member Agencies), mga tauhan ng PDRRMO at mga DRRMO sa mga Lungsod/Munisipalidad.
Gaya ng nakasaad sa Executive Order No. 29-2017 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang National Disaster Awareness Month ay ginawang National Disaster Resilience Month upang ilihis ang layunin nito mula sa ‘disaster awareness building’ patungo sa ‘disaster resilience’. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Nakapaninibago at aminadong may konting takot: PAULO, malungkot na masaya sa premiere ng movie nila ni JANINE
PAREHONG batikang director ang may hawak ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start Up na sina Direk Dominic Zapata at Direk Jerry Sineneng. Dito pa lang, alam mo na espesyal ang Start-Up para bigyan ng dalawang mabibigat na director. Ayon kay Direk Jerry, “perfect casting” daw ito. Mula kina […]
-
SHARON, handang ma-bash at sa magiging reaksyon ni Sen. Kiko; may assurance na maganda ang ‘Revirginized’
WALA dapat ipag-alala ang mga Sharonians sa gagawing pelikula ni Megastar Sharon Cuneta under Viva Films titled Revirginized. Kahit na medyo nakaka-shock ang dating ng title, Sharon gave her Sharonians an assurance na magandang project ang Revirginized at excited siyang gawin ito. Wala rin kaso sa kanya na baguhan ang kontrobersiyal […]
-
RICHARD, enjoy sa pagiging Mayor at tama ang naging desisyon; LUCY, hinihikayat na tumakbong Senador
MASAYA ang chikahan with Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez noong Lunes with matching lunch na ipinadala ng mag-asawa sa bahay ng bawat isang press na invited. Nasa huling term niya si Cong. Lucy at may mga chika na nililigawan daw ito ng partido ni Presidente Duterte para tumakbong senador […]