Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng cleaning operation sa mga daluyan ng tubig
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Humigit kumulang 150 sako ng mga lumulutang na basura ang nakolekta sa ginanap na maliitang cleaning operation sa mga daluyan ng tubig sa ilalim ng tulay sa Brgy. Tawiran, Obando, Bulacan noong Biyernes, Enero 21, 2022.
Nilinis ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) at sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Obando ang mga basura na nagmula sa ibang lugar at tinangay ng daloy ng tubig sa Obando.
Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa tulong ng iba pang ahensya ng gobyerno para sa kalikasan, sa paggawa ng kanilang bahagi upang panatilihin ang kalinisan ng lalawigan ngunit idiniin niya na bawat isang tao ay may responsibilidad sa pangangalaga sa inang kalikasan.
“Napakalaki ang ginagampanang tungkulin ng bawat indibidwal sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Mahalaga na sa ating sarili at sa ating mga tahanan magsimula ang disiplina sa paglalagay ng basura sa tamang tapunan. Kung mangyayari ito, aabutan pa ng mga susunod na henerasyon ang mga pamana ng ating mga likas na yaman,” anang gobernador.
Ang clean-up drive ay bahagi ng pagtupad sa 10-point agenda ni Fernando o ang “People’s Agenda 10” na kabilang ang Mabiyayang Kalikasan at Malinis na Kapaligiran. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
IATF, pag-uusapan kung handa na ang NCR para sa Alert Level 1 – Año
PAG-UUSAPAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa pagtatapos ng Pebrero at kung handa na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1. Sa isang panayam, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ang bagong Alert level classification sa NCR mula Pebrero 16 hanggang 28 ay depende […]
-
203 bagong COVID-19 cases sa Phl naitala; 41 labs ‘di nakapagsumite ng datos – DOH
Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette. Sinabi ng Department of Health (DOH) na 395 pa ang gumaling sa sakit, at 64 ang nadagdag sa mga nasawi. […]
-
Pagbabago sa presyuhan ng asukal sa World Market, posibleng maramdaman ng PH
MAAARING maramdaman din ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado. Batay kasi sa prediksyon ng ilang mga international think tank, maaaring tataas ang presyo ng asukal sa ibat ibang bahagi ng mundo, dahil sa El Nino phenomenon. Katwiran ng mga firm, ang El Nino […]