• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!

 

 

Ang rason ay 99 percent risk reduction daw ng Covid-19 cases kapag may ganito at naka social distance ang nga tao. Pero bakit ngayon lang naisip ito? Ilang buwan na ang nakaraan?

 

 

Aba, akalain mo na 99 percent reduced risk – halos zero na ah! Malaking proteksyon ito. Pero bakit ngayon lang? Sa ibang bansa ba na mababa ang positibo sa Covid-19 may ganitong requirement sa mga pampublikong sasakyan? O sa atin lang ‘to?

 

 

Ang malungkot, kaka-anunsyo pa lang ay sinamantala na agad ng mga taong gustong pagkakitaan ang bagay na ito. Nagka-hoarding na ng supply at tumaas presyo ng face shields. Parang nung dati sa alcohol at face mask – libu-libo ang umoorder at milyong piso ang transaksyon.

 

 

 

Kaya naman una nang sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na kung may magmamagandang loob ay magpamahagi na ng libreng face shield at bantayan din ng DTI ang presyo ng commodity na ito at siguruhin ang supply na maging available naman sa lahat sa tama at totoong presyo bago istriktongs ipatupad ito ng DOTr dahil ang hirap na nga ng public transportation hindi pa makakasakay dahil walang face shield.

 

 

Hindi rin magaan sa bulsa ito sa ordinaryong pamilya dahil kung may tatlo o apat sa pamilyang namamasahe at hindi lang isa ang bibilhin na face shield ay magastos din. Marami rin nagtanong kung huhulihin sila pag walang face shield. Hindi po.  Ang polisiya ay galing sa DOTr at para lang sa mga pasahero. Kaya kung naglalakad ka lang hindi kailangan yun. Pero baka naman may makaisip na lagyan ito ng penalty ng multa tulad ng face mask at barrier sa motor? Utang na loob naman. Pero diba at lahat tayo ay maituturing na commuter?

 

 

At kahit hindi ka sumasakay sa public transport kung 99 per cent reduced risk nga ay bakit hindi ka magsusuot? So marahil dahil dito ay magiging parte na ng new normal ang face mask, social distance at face shield para sa lahat. Sabi nga ng iba – bakit hindi PPE na ang i-require? Aba mahirap yan!

 

 

Ganumpaman mainam na marinig natin ang opinyon ng mga medical experts sa effectiveness ng face shield laban sa Covid 19. Para malaman ng lahat na mahalaga ito at malaking tulong nga. At kung hindi naman ay malaman na rin ng tao ang detalye at dahilan para hindi magmukhang negosyo lamang ang polisiyang ito. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang pagbibigay ng insentibo, rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno

    IPINAG-UTOS  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang pagbibigay ng one-time service recognition incentive na may  uniform rate na hindi lalagpas sa  P20,000 para sa  executive department personnel.     Nagpalabas ang Pangulo ng administrative orders  na naglalayong magbigay ng  service recognition incentive (SRI) para sa mga empleyado  sa executive department at […]

  • Pagbalik muli ng ‘NCR Plus’ bubble, iminungkahi ng OCTA vs Delta variant

    Naniniwala ang OCTA Research Group na ang pagpapatupad muli ng “NCR (National Capital Region) Plus” bubble sa Metro Manila at karatig probinsiya ay malaking tulong para maprotektahan ang mga lugar sa pagkalat ng Delta variant ng Coronavirus Disease 2019. Ito’y habang patuloy na nakabukas ang ekonomiya ng bansa.     Una nang nagbabala ang Department […]

  • Herd immunity sa Metro Manila, kayang makuha kapag umabot na sa 5 milyon ang nabakunahan

    KAILANGANG umabot sa limang milyong mga bakunadong taga- Metro Manila para makuha ang inaasam – asam na herd immunity sa NCR.   Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na base sa kanilang pag- uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual […]