Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng sportsfest para sa mga PDL
- Published on April 9, 2024
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na palawigin ang rehabilitation programs para sa persons deprived of liberty (PDLs), pinangunahan ng Provincial Civil Security and Jail Management Office sa pamumuno ni PCOL. Rizalino A. Andaya ang Bulacan Provincial Jail Sportsfest 2024 na may temang ‘Programang Pampalakasan, Tungo sa Malusog na Piitan’ na ginanap sa BPJ Plaza dito noong Biyernes.
Isasagawa ang mga aktibidad ng sportsfest sa buong buwang ng Abril kung saan siyam na koponan na may 10-12 na manlalaro ang maglalaban sa Basketball; dalawang koponan na may 8-12 na manlalaro sa Men’s Volleyball; apat na koponan na may 8-12 na manlalaro sa Women’s Volleyball; walong manlalaro para sa Class A Billiard at 16 para sa Class B Billiard; at 12 indibidwal naman ang magtatagisan sa chess tournament.
Sa kanyang mensahe sa isinagawang kick-off ceremony, binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan na “Kapitolyo for Life” na nagsusulong na mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Bulakenyo gaya ng mga nasabing sports activities, kaya naman inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa BPJ at iba pang katuwang na organisasyon para sa kanilang dedikasyon na gabayan ang mga PDL tungo sa matuwid na landas sa pamamagitan ng Community Service Programs at Skills Trainings habang nagsisilbi ng kanilang sentensiya.
“Everybody deserves a second chance, lalo’t higit ang mga taong pursigidong magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong magandang nasimulan upang maging mabubuting mamamayan ng ating lalawigan. Patuloy pong susuporta ang inyong lingkod sa inyong pagsisikap na magbago, kaya’t atin pong palalawigin ang holistic approach ng inyong rehabilitasyon, kung saan pangangalagaan natin ang inyong physical, mental, emotional at spiritual wellbeing,” anang gobernador.
Binati rin ni Fernando ang BPJ bunsod sa papuring natanggap mula kay Igg. Hukom Julie P. Merculito ng RTC Bulacan Branch 12 hinggil sa maayos at malinis na mga pasilidad sa Bulacan Jail.
Samantala, ang mga mananalo sa bawat sport event ay tatanggap ng cash prizes at tropeo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
-
DINGDONG, susunod na leading man ni BEAUTY sa isa pang mini-series; balik-tambalan nila ni MARIAN inaabangan pa rin
BONGGA si Beauty Gonzalez dahil ang susunod niyang leading man sa GMA Network ay walang-iba kung hindi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Pagkatapos nga niyang gawin ang Stories from the Heart, si Dingdong naman ang magiging leading man ni Beauty. Pero hindi pa raw ito ‘yung full-length teleserye talaga, […]
-
Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president
Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments. Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos […]
-
558 Bulakenyo, tumanggap ng burial at calamity assistance
LUNGSOD NG MALOLOS – Umabot sa 258 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 naman para sa calamity assistance sa ginanap na Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Para sa Housing Materials ng mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses at Burial Assistance na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon. Ayon sa […]