• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, wagi ng ginto sa FIABCI’s National and World Prix d’Excellence Awards

LUNGSOD NG MALOLOS – Nasungkit ng “Farmers/Fisherfolks Training Center” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang gintong tropeo bilang 2022 Outstanding LGU Project – Public Infrastructure Category sa ginanap na FIABCI-Philippines Property and Real Estate Excellence Awards kamakailan sa Mindanao Ballroom, Sofitel Philippine Plaza Hotel sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay, Maynila.

 

 

Kilala bilang International Real Estate Federation sa Ingles, ang “Fédération Internationale des Administrateurs de Bien-Conselis Immobiliers” o FIABCI sa wikang Pranses, ito ay isang networking na organisasyon ng mga propesyonal na may kinalaman sa industriya ng real estate sa buong mundo na itinatag sa Paris noong 1951.

 

 

Ayon sa Provincial Engineers’ Office, napili ang bagong training center ng Pamahalaang Panlalawigan dahil nakaangkla ito sa mga aspirasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  tungo sa pagtataguyod ng matatag na imprastraktura at sustenableng agrikultura.

 

 

Matatagpuan sa dalawang palapag na gusali ang training center sa unang palapag at Provincial Agriculture Office sa ikalawang palapag.

 

 

Sinabi ni Provincial Engineer Glenn Reyes na itinayo ang institusyonal na gusali ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan mula Hulyo 19, 2021 hanggang Marso 11, 2022 na may badyet na P15,518,758.67 at isa sa karagdagang pangunahing pampublikong pasilidad sa lalawigan.

 

 

Mayroong minimalist at modernong approach ang kabuuang disenyo ng FFTC; habang inayon ng mga arkitekto ang glass curtain walls sa panlabas na disenyo upang pumasok ang natural na ilaw sa may hagdanan na bukod sa dulot na kagandahan ay nakatutulong din na makatipid sa konsumo ng elektrisidad. Gumamit din ng aluminum cladding sa ibang parte ng panlabas na pader bilang karagdagan sa modernong disenyo nito.

 

 

Bilang isa sa People’s Agenda 10 ng administrasyon ni Gobernador Daniel R. Fernando, sinigurado niya na ang mga agenda na ito ay maisasakatuparan at hindi isang pangarap lamang para sa mga Bulakenyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Other News
  • Andi, pinasilip na ang ‘bump’ ng second baby nila ni Philmar

    SA latest Instagram post ni Andi Eigenmann, pinakita na niya ang baby bump ng second baby nila ng partner na si Philmar Alipayo.   Nasa ika-23rd week na ng kanyang pagbubuntis si Andi. Sinabi nito na dahil sa quarantine, hindi raw niya masyadong ma-celebrate ang pagiging pregnant niya ulit dahil sa maraming restrictions at malayo […]

  • Kinoronahan bilang ‘Miss Teen Universe’: KYLIE LUY, gustong patunayan na deserving para maging representative ng Pilipinas

    ANG dating The Voice Kids Philippines contestant na si Kylie ‘Koko’ Luy ay pumasok sa bagong larangan at determinado siyang magtagumpay.     Kahit na baguhan si Kylie sa beauty pageant, gustong patunayan ng 19-year-old na deserving para maging representative ng Pilipinas sa most prestigious and biggest teen pageant in the world.     Her crowning […]

  • Together for Health: Making a United Stand Against Cervical Cancer

    CERVICAL CANCER can be prevented through vaccination against HPG–human papillomavirus, which causes about 99% of all cervical cancers– and regular screening. When diagnosed early and managed effectively, cervical cancer is one of the most successfully treatable forms of cancer. Yet every year, out of the 8,549 Filipino women diagnosed with cervical cancer, 4,380 or more […]