• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan

LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN- Upang talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa lalawigan, nakipagpulong si Gobernador Daniel R. Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang noong Lunes.

 

 

Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan sa mungkahing Bulacan Mega City sa mga bayan ng Balagtas, Bocaue, at Pandi na iprinisinta ni Punong Bayan ng Pandi Enrico Roque.

 

 

Ayon sa gobernador, mahalaga na nagtutugma ang mga ganitong klase ng pag-unlad sa iba pang bahagi ng lalawigan.

 

 

Samantala, ibinihagi ni RSA kay Fernando na dalawa sa ilang iminumungkahing access roads patungo sa Bulacan airport ang Marilao Interchange at Tabang Interchange sa Guiguinto.

 

 

Sa kabilang banda, bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility, ibinalita ni RSA na kasalukuyang nagsasagawa ang SMC ng malawakang dredging project sa apat na pangunahing river system sa lalawigan.

 

 

Nangako rin si RSA na patuloy na aalamin at tutulong sa paghuhukay ng iba pang lokal na ilog sa lalawigan bilang tugon sa kahilingan ng gobernador, at karagdagan sa walong kasalukuyang dredging project sa Bulacan.

 

 

Sinabi rin niya na naipreserba ang 300-ektaryang Bulakan Mangrove Ecopark sa kabila ng ginagawang kontruksyon ng paliparan sa Bulacan.

 

 

“Ngayon pong panahon ng tag-ulan, magandang balita po para sa mga Bulakenyo na marinig natin mula mismo kay Sir Ramon Ang na katuwang natin sila sa paggawa ng hakbang upang maprotektahan ang ating kalikasan. Patunay po nito na kayang pagsabayin ang pag-unlad at pagpreserba ng ating mga likas na yaman,” anang gobernador.

 

 

Pinasalamatan rin ni Fernando si Ang sa pagpaparating ng pinansyal na tulong para sa pag-a-update ng Provincial Development and Physical Framework Plan ng Bulacan.

Other News
  • Idol siya ng bagong child actress: JILLIAN, naalala ang pagiging bata nang magkita sila ni SIENNA

    BIG fan pala ng bagong Kapuso child actress na si Sienna Stevens ang former child star na si Jillian Ward.     Nagkaroon ng pagkakataon si Sienna na bisitahin ang idol niya sa set ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’. Noong magkita na sila, sinabi ni Sienna kay Jillian ay: “Idol po kita, gusto ko maging Daldalita.” […]

  • Vico Sotto, Marcelito Pomoy, at Michael V. pasok sa most searched male personalities ng Google Philippines

    Nakasama sina Vico Sotto, Marcelito Pomoy, at Michael V. sa most searched male personalities ng Google Philippines para sa taong 2020.   Bilang mayor ng Pasig City, pinahanga ni Vico ang maraming netizens sa  kanyang “proactive handling of the coronavirus crisis – data-driven action, handing out relief goods regardless of one’s social standing, providing eco-friendly […]

  • Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz nakabawi, wagi pa rin ng gold medal sa 55kg women weightlifting

    MULING nag-uwi ng Gold ang Olympics gold medalist  na si Hidilyn Diaz sa pagdepensa niya ng kanyang women’s 55 kgs weightlifting title kahapon Biyernes sa  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Nagsimula ang laro ni Diaz dakong ala-1 ng hapon oras sa Pilipinas sa Hanoi Sports Training and Competition Center.     […]