Pamalit sa Campus Journalism Act of 1991, inihain sa Kamara
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
PANAHON na para sa bagong batas na magtataguyod sa press freedom ng mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Sa House Bill 7780 o Student Journalists’ Rights Act of 2020 na inihain ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, layon nitong itakda ang hindi kinayang gawin ng Campus Journalism Act of 1991 or Republic Act 7079.
“Maraming butas ang R.A. 7079. Puro generic ang mga probisyon at hindi klaro kung paano mapipigilan ang pagsupil sa mga karapatan ng student journalists. Layon ng House Bill 7780 na gawing diretsahang tugunan ang mga pagkukulang ng R.A. 7079,” ani Fortun.
Halimbawa aniya ay ang funding source ng student publications sa public schools. Sa maintenance and operating expenses budget dapat ng paaralan pondohan ang student publications, hindi mula sa savings.
“Sa ganitong paraan, siguradong may pondong mapagkukunan ang student journalists at kanilang advisers,” dagdag ng mambabatas.
Nakapaloob sa House Bill 7780 na 30 araw mula sa simula ng klase, nalipat na dapat ang pondo para sa student publication sa editors ng pahayagan. Tatlumpung araw din ang taning para mabuo ang editorial board.
Inasinta rin ng panukala ang komposisyon ng editorial board ng student publications, limitadong papel ng faculty adviser, at mga bawal gawin dahil sa censorship. Nakalista ang mga prohibited acts.
Ipinagbabawal sa panukala ang “prior review” at “prior restraint” ng mga opisyal o guro ng paaralan at dahil diyan hindi kailangan ang clearance o approval ng sinumang opisyal o guro ng eskuwelahan. Bawal din na hadlangan ang student journalists para hindi nila magamit ang mga pasilidad at kagamitan nila sa kanilang nakatakdang opisina sa kampus. Bawal hadlangan ng paaralan ang distribusyon ng student publications mula sa labas ng paaralan.
Nakasaad pa na maaaring dumulog sa Department of Education, Commission on Higher Education, or sa korte para sa mga reklamo at kaso tungkol sa campus journalism. (Ara Romero)
-
NTF-ELCAC exec, NegOr guv, Palace photog officers nag-oath taking sa harap ni PBBM
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ni retired Lt. Gen. Emmanuel Salamat bilang executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ibinahagi ni Pangulong Marcos ang ilang larawan ng mass oath-taking ceremony na isinagawa sa President’s Hall sa Malacañan Palace sa Maynila. […]
-
Valenzuela LGU, pinasinayaan ang bagong gusali ng PLV-CPAG
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-401st Founding Anniversary ng Valenzuela City, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang bagong gusali ng sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV)-College of Public Administration and Governance (CPAG). Ang makabagong gusali ng CPAG ay matatagpuan sa dating pangunahing gusali ng PLV, na may […]
-
Liza, pinaniniwalaan ni Herbert sa mga adbokasiya niya
KAHIT ang dating Mayor ng Quezon City at actor na si Herbert Bautista ay nagbigay ng kanyang pahayag sa ginagawang red tagging kay Liza Soberano. Sa pamamagitan ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ay ipinaabot nito ang kanyang saloobin sa nangyayari. Dahil hindi ma-socmed si Herbert kaya pinaabot na lang niya. […]