• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamamahagi ng ayuda sa NCR nasa P4.5-B na – Sec. Año

Iniulat ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa kabuuang P4.5 billion mula sa P11.2 billion ayuda na ang naipamahagi ng gobyerno as of August 16, 2021 sa mga beneficiaries sa National Capital Region (NCR) simula ng isailalim ito sa enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang August 20, 2021.

 

 

Ayon kay Sec Año, mga low-income individuals ang nakinabang sa ayuda na ibinigay ng gobyerno at ipinamahagi ng iba’t ibang LGUs.

 

 

Ipinagmamalaki naman ng kalihim na may transparency na ngayon sa pamamahagi ng ayuda dahil nakapaskil na ang mga listahan ng mga benepisaryo sa mga barangay hall, website at official social media platforms para sa kaalaman ng lahat.

 

 

Inihayag din nito na nakatanggap din ng dagdag na P368 million pondo ang mga LGUs sa NCR na inapbrubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte batay na rin sa kahilingan ng mga LGUs bilang dagdag na financial assistance.

 

 

Batay sa guidelines may 15 araw ang mga LGUs sa NCR para kumpletuhin ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga constituents.

 

 

Pinuri naman ni Sec Año ang mga local government units dahil sa maayos at systematic na pamamahagi ng ayuda.

 

 

Ayon sa kalihim ang mga siyudad ng Caloocan, San Juan, Mandaluyong, Taguig, at Makati ang siyang may pinakamataas na percentage na financial assistance na ipinamahagi.

 

 

“We congratulate the NCR LGUs for an orderly and systematic distribution of Ayuda. We are doing distribution everyday. We have not received any report of any untoward incident and our PNP is there to ensure that all minimum health standards are met,” pahayag pa ni Sec.Ano. (Daris Jose)

Other News
  • Rizal Memorial pansamantlang isasara dahil sa isasagawang decontamination

    Pansamantalang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex ngayong sa loob ng isang araw para sa isasagawang decontamination.   Sa isang panayam, sinabi ni ‘Hatid Tulong” initiative head Asec. Joseph Encabo, isasailalim sa lockdown simula alas-9:00 ng umaga ngayong Hulyo 30, 2020 ang buong complex.   Ito ay matapos na mamalagi doon sa mga nakalipas na […]

  • Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa desisyong ilayo ang MIF sa pamumulitika

    PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilayo sa pamumulitika ang Maharlika Investment Fund (MIF). Kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang hakbang na ito ng Pangulo sa ikatatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa. Ayon kay Pangulong Marcos tinanggihan nito ang panukala na siya […]

  • Garbin, iprinoklama bilang Mayor ng Legaspi

    IPRINOKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) si dating Ako Bicol representative Alfredo Garbin Jr., bilang Mayor ng Legazpi City.   Ito ay matapos magpulong ang Speclal City Board of Canvassers (SCBOC) ng Legazpi upang ipatupad ang dessiyon na nag-uutos na ipawalang-bisa ang proklamaasyon ni Carmen Rosal sa 2022 national at local elections, ayon sa poll […]