• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na – LTFRB

Nagsimula nang magkaloob ang pamahalaan ng fuel subsidies na may halagang P1 bilyon para sa may  136,000  driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epektong dulot sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products.

 

 

Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) na tutulong sa mga driver na apektado ang kabuhayan ng oil price hike.

 

 

“Bagama’t nakita natin sa nakaraang ilang linggo, bahagyang bumaba ang presyo ng krudo at gasolina pero mataas pa rin ang presyo kumpara sa umpisa ng taong ito. Kailangang tulungan natin ang transport sector, lalung-lalo na ang mga tsuper at operator ng public utility jeepneys,”  pahayag ni LTFRB chairman Martin Delgra.

 

 

Aniya ang subsidy ay hindi lamang para mabawasan ang gastusin sa pagkakarga ng krudo ng mga driver ng jeep kundi upang matiyak na may maghahatid sundo sa mga mananakay ngayong panahon ng pandemic.

 

 

Sinabi ni Delgra na  may matatanggap na P7,200 ang bawat sasakyan na one-time subsidy at ang pondo ay ipapasok sa  PPP cards ng mga driver.

 

 

Nilinaw ng LTFRB na ang  subsidy ay maaari lamang magamit na pambayad sa ikakargang krudo ng mga jeep sa  siyam na participating petroleum retail outlets o gasoline stations.

 

 

Ang mga lalabag sa paggamit ng PPP cards ay awtomatikong aalisan ng  anumang benepisyo sa pamahalaan at tatanggalin sa subsidy program na nasa ilalim ng  Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

 

 

Ang LTFRB ay may  85,000 active PPP card holders at 78,000  dito ay tumanggap na ng kanilang  subsidies.

 

 

Sinabi ni Delgra na ang mga wala pang cards ay maghintay lamang dahil patuloy ang pagpoproseso  dito ng  Land Bank of the Philippines para sa printing at pamamahagi nito. (Gene Adsuara)

Other News
  • Malungkot na ibinalita ni Liza: Repeat concert ni ICE, na-postpone dahil sa severe asthma attack

    MALUNGKOT ngang ibinalita ng wifey ni Ice Seguerra na si Liza Diño-Seguerra na postponed na ang ‘Videoke Hits: The Repeat ’ ngayong Sabado, June 1 sa Music Museum.     Ipinost na nga ito ni Liza sa Fire and Ice PH Facebook page para sa mga fans ni Ice at mga nakabili na ng tickets… […]

  • Lider ng ‘organ for sale’, hindi head nurse ng NKTI

    NILINAW ng pamunuan ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City na hindi nila head nurse ang sinasabing lider ng “organ for sale” syndicate na tinutugis ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang isinagawang raid sa San Jose del Monte City, Bulacan.       Ayon kay Dr Rose Marie […]

  • Presyo ng bigas, tataas ng P4 sa Oktubre

    NAGBANTA ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng mula P3 hanggang P4 sa susunod na buwan ng Oktubre.     Ito, ayon sa SINAG ay dahil hindi naibigay ng pamahalaan sa mga palay farmers ang cash aid na gagamitin sana sa panahon ng pagtatanim.   […]