• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamamahagi ng nabiling higit kalahating milyong antigen test kits, sisimulan na

SISIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng anti- gen test sa iba’t ibang mga LGU at ospital.

 

Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaiigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon sa kontra COVID 19.

 

Importante ayon kay Dizon na maliban sa rt-PCR ay magamit na rin ang antigen test gayong sa lalong madaling panahon ay dapat na madetermina kung ang isang indibidwal ay positibo sa virus.

 

Aniya, bahagi ito ng active case finding effort ng pamahalaan na kung saan, target na dumaan sa test ang mga
symptomatic at mga indibidwal na may kontak sa mga nagpositibo sa COVID.

 

Tinatayang nasa may 530, 000 mga anti-gen test kits ang target na ipamahagi ngayong araw sa mga ospital at ibat- ibang mga lokal na pamahalaan.

 

Samantala, siniguro ni Dizon na kanilang gagabayan ang mga nasa LGU sa kung paano at sino- sino ang dapat na gumamit ng antigen test kits. (Daris Jose)

Other News
  • Height requirement ng mga ahensyang pang-seguridad, aprubado na

    Inaprubahan ng House Committtee on Public Order and Safety ang ulat ng komite sa substitute bill na naglalayong babaan ang minimum height requirement.   Gayundin ang pag-alis sa pagpapaubaya sa sukat ng mga aplikante sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections […]

  • PAGRERETIRO NG 3 COMMISSIONER, HINDI APEKTADO ANG HALALAN

    TINIYAK  ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na ang kanilang paghahanda para sa halalan sa Mayo ay hindi mahahadlangan ng pagreretiro ng tatlong senior officials .     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang nasabing preparasyon  ay matagal nang ginagawa at natugunan na sa nakaraang buwan     “Remember that when running the […]

  • GCQ SA NCR,BULACAN, CAVITE, LAGUNA AT RIZAL

    BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mga bagong hakbang sa mga lugar nasa ilalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula ngayong araw, Marso 22 hanggang Abril 4.   Una na rito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang pansamantalang sinususpinde ang […]