• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamasahe sa PUJ tumaas muli ng P1

TUMAAS ng P1 ang pamasahe sa public utility jeepney (PUJs) simula noong nakaraang Biyernes kung saan ito ay binigyan ng go-signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang hearing na ginawa noong June 28.

 

 

Magiging P11 ang miminum na pamasahe sa mga PUJs mula sa dating P10 kung saan ito ay tumaas muli ng P1.

 

 

Sa isang seven-page na desisyon ng LTFRB na nilagdaan noong June 29, sinabi nito na ang mga PUJs sa buong bansa ay binibigyan ng pagkakataon na magtaas provisionally ng P1 sa pamasahe mula sa dating P10 para sa unang apat (4) na kilometro lamang ng pagpasada.

 

 

Lahat din na mga modern PUJs sa buong bansa ay pinapayagan na magtaas ng P1 sa pamasahe kung saan ito ay magiging P13. Wala naman mangyayari na pagtataas ng pamasahe sa susunod na mga kilometro para sa dalawang klase ng PUJs.

 

 

Dalawang beses ng tumaas ang pamasahe nitong nakaraang buwan dahil sa nararanasan na tumataas ng presyo ng produktong petrolyo mula sa sektor ng transportasyon.

 

 

Noong nakaraang ginawang pagdinig ng petisyon ng mga PUJs, nakita ng LTFRB na tumaas ng 14 na beses ang presyo ng diesel simula ngayon taon, mula sa dating P47.52 kada litro hanggang sa ngayon na P89 na kada litro noong nakaraang linggo. Ito rin ang dahilan kung bakit masyado ang pressure ang nararanasan ng sektor.

 

 

Sinabi pa rin ng LTFRB na ang nasabing fare increase ay makakatulong sa mga PUJ drivers at operators upang magkaron sila ng disenteng kita at ng mabawasan ang masamang epekto ng oil price increase at ng COVID-19 sa kanilang sektor.

 

 

“In issuing this resolution, let it not be said that the agency is indifferent to the plight suffered by the transport sector due to the increase of fuel prices. With the cautious examination of the complexities of the various concerns of our stakeholders, the Board balances the principle that now, more than ever, the need for the riding public to have mass transportation must be sufficiently met,” wika ng LTFRB board.

 

 

Sa ilalim ng kondisyon ng provisional increase ng pamasahe, ang mga estudyante, PWDs at senior citizen ay kinakailangan bigyan ng 20 percent discount sa kanilang pamasahe. Kinakailangan din na magpaskil ang mga drivers ng fare matrix sa kanilang mga sasakyan kung saan ito ay makikita ng mga pasahero.  LASACMAR

Other News
  • LRT2 may libreng sakay para sa mga kababaihan sa International Womens Day

    NAGHATID ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day, March 8.     Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.   […]

  • Ads June 23, 2021

  • ‘Moana’ Joins the Ranks of Walt Disney Animated Movies to Receive a Live-Action Adaptation

    A live-action version of Disney’s Moana has been announced and there are many exciting details about the remake of the hit musical fantasy movie. Moana is another of Disney’s animated movies receiving the live-action remake treatment, despite being released in the last ten years.      The most recent wave of live-action remakes of Disney animated movies began […]