• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pambansang Best Friend’, nami-miss na ang pag-arte: SHEENA, protective mother at gagawin ang lahat para ‘di magka-virus ang anak

NAG-THROWBACK sa kanyang social media account si Sheena Halili dahil nami-miss na raw niya ang umarte.

 

 

Ngayon kasi ay mas naka-focus siya sa pagiging mommy sa 1-year old daughter niya.

 

 

“Miss ko na rin ang pag-aartista! Ngayon din naman nag-aartista ako sa harap ng anak ko! Minsan dog ako, minsan cat, minsan dancer, minsan singer,” natatawang pahayag ni Sheena.

 

 

Nabansagan noon si Sheena na Pambansang Best Friend dahil parati siyang BFF ng mga bida sa teleserye tulad nila Angel Locsin, Marian Rivera, Katrina Halili, Rhian Ramos, Carla Abellana, Heart Evangelista, Regine Velasquez, Kris Bernal, Jennica Garcia, Maine Mendoza at marami pang iba.

 

 

Protective mother ang role ngayon ni Sheena sa kanyang anak dahil sa pandemic.

 

 

“Lahat ng paraan gagawin ko para ‘di makasagap ng virus ang anak ko kasi di pa siya puwedeng mag-face mask. Ganito talaga ang maging isang nanay sa panahon ng pandemya,” diin pa ni Sheena na huling napanood sa teleserye na Love You Two noong 2019.

 

 

***

 

 

MINSAN na raw sumama ang loob si Herlene “Hipon Girl” Budol sa kanyang mga magulang dahul sa hindi nila pag-attend ng high school graduation niya.

 

 

Kuwento ni Hipon Girl, sinabihan daw niya ang kanyang mga magulang tungkol sa graduation niya. Dahil hiwalay ang maguling niya, nagturuan daw ang dalawa kung sino ang dapat un-attend.

 

 

Sa bandang huli, wala raw magulang si Hipon Girl noong magmartsa siya at nagkunwari na lang daw siya sa kanyang mga classmates na dumating ang mga magulang niya.

 

 

“Nakakalungkot lang na napagtapos ko yung pag-aaral ko na sarili ko lang. Yun na lang gagawin nila, sumama sa graduation, hindi pa nila nagawa. Nagtuturuan sila kasi ayaw lang nilang magkita talaga,” maluha-luhang kuwento ni Hipon Girl.

 

 

Pero nung araw lang daw na iyon sumama ang loob ni Hipon Girl sa kanyang mga magulang, Naintindihan naman daw niya ang situwasyon nila. Kaya wala siyang tinanim na galit sa kanila.

 

 

“Di man nila ako nakitang nagmartsa, nasa puso naman ang suporta ng aking pamilya,” sey pa niya.

 

 

Kaya raw sa bahay nila, wala siyang graduation picture na nakasabit. Sana raw sa pag-graduate niya ng kolehiyo sa May, magkaroon na raw siya ng picture na naka-toga at kasama na niya ang mga magulang niya.

 

 

**

 

 

SINAMPAHAN ng civil lawsuit ang American rapper na si Snoop Dogg for sexual assault and battery ng isang unidentified woman pagkatapos daw niyang manood ng isang concert ng rapper noong 2013.

 

 

Isa pa naman si Snoop Dogg na nag-perform sa Super Bowl LVI halftime show sa SoFi Stadium in Inglewood, California noong February 13 kasama sina Dr. Dre, Eminem, Mary J. Blige at Kendrick Lamar.

 

 

Ang naturang Jane Doe ay isang dancer, model, host and actress na nakatrabaho na ni Snoop Dogg.

 

 

Wala pang comment ang epresentatives ni Snoop Dogg, pero ito ang pinost ng rapper sa kanyang Instagram account: “Gold digger season is here be careful… keep ya guards up. And. Keep ya circle small.”

 

 

Napag-alaman din na nakaranas ng sexual assault ang Jane Doe mula sa isang employee ni Snoop Dogg.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

    SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.   Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.   Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo […]

  • Tulak timbog sa P122K shabu sa Malabon

    Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 ng Kaingin II St. […]

  • Krizziah Tabora-Macatula 9th place sa 16th Asian Tenpin Championship

    TANGING ang World Cup champion na si Krizziah Tabora-Macatula ang pinakamahusay na Pilipino sa ginaganap na 16th Asian Tenpin Bowling Championships sa Hong Kong matapos walang nakarating sa podium.   Si Tabora-Macatula, ang 2017 World Cup champion, ay tumapos sa pang-siyam na pwesto na may 1,401 pinfalls sa women’s singles events.   Nagkasya lang si […]