• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pambihirang internet service, ihahatid ng Starlink sa PH sa lalong madaling panahon

ANG MABILIS na pag-apruba ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga kinakailangan ng SpaceX-Starlink ay magbibigay-daan sa bansa na tamasahin ang mga pambihirang serbisyo sa internet sa pamamagitan ng Low Earth Orbit (LEO) satellite network constellation na binubuo ng mahigit 1,600 satellite.

 

 

Nangangako ang Starlink na maghahatid ng hanggang 200 Mbps na bilis ng broadband partikular na sa “geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA)” na mahirap abutin gamit ang fiber connection.

 

 

Ang pagpasok ng Starlink sa Pilipinas ay nagsimula sa isang privilege speech ni Sen. Koko Pimentel sa kasagsagan ng krisis sa COVID-19, na nagpapaliwanag kung paano magagamit ang mga bagong teknolohiya upang makatulong na maibsan ang mga epekto ng coronavirus sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino at mapabilis ang paglago ng ekonomiya sa panahon at pagkatapos ng pandemya.

 

 

Sinuportahan ito nina Sen. Grace Poe at Rep. Sharon Garin, mga principal sponsors ng Public Services Act sa Senado at House of Representatives.

 

 

Sa patuloy na pribadong talakayan sa SpaceX para sa pagpasok ng kumpanya at pagmamarka ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Public Services Act bilang priority bill, mabilis na niratipikahan at inaprubahan ng Senado at Kamara ang bagong panukala noong Marso 21. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 12, 2023

  • Pinay boxer Pasuit, swak sa last 8 ng Olympics q’fiers

    PASOK na sa last 8 sa Asiana-Oceania Boxing Qualification Tournament ng 2020 Olympics si Filipina boxer Riza Pasuit.   Ito ay matapos talunin ang Japanese boxer na si Saya Hamamoto ng women’s lightweight match Round-of-16 na gananap sa Amman, Jordan.   Sa simula pa lamang ay pinaulanan na ng suntok ni Pasuit ang Japanese boxer. […]

  • Hindi matatawaran ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino… Sen. BONG, pinarangalan si Mother LILy sa inihaing resolusyon

    SA Facebook post ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., noong Martes, ilang araw ng pagpanaw ni Mother Lily Monteverde, mababasa ang kanyang bagong resolusyon.       “Atin pong inihain ang Proposed Senate Resolution No. 1099 na nagbibigay-karangalan kay Lily Yu Chu-Monteverde o mas kilala natin bilang Mother Lily.       “Sya ay tunay […]