• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamilya ng mga drug war victims: Duterte dapat managot

NAGTIPON ang pamilya ng mga biktima ng madugong “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo ­Duterte nitong Linggo upang gunitain ang ika-walong ­anibersaryo nang pag ala-ala sa kanilang mga namatay na kamag-anak.

 

 

Ginawa ang pagtitipon sa Siena College Chapel kung saan nanawagan sila na dapat managot si Duterte ang iba pang sangkot sa pagkamatay ng libo-libong biktima.

 

 

Ayon sa opisyal na tala ng gobyerno, nasa 6,181 katao ang pinaslang sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Duterte.

 

 

Pero may mga grupong nagsasabi na aabot sa 20,000 ang mga namatay.

 

 

Nauna rito, inako ni Duterte ang buong responsibilidad sa kinahinatnan ng kampanya laban sa ilegal na droga.

 

 

Inamin din ni Duterte na inutusan niya ang pulisya na hikayatin ang mga drug suspect na manlaban na kadalasang humahantong sa kanilang kamatayan.

 

 

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya hihingi ng tawad o magbibigay ng “excuses” sa kinahinatnan ng kampanya dahil ginawa niya ang dapat gawin.

 

 

“Don’t question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do,” matatandaang sabi ni Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año

    MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.   Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants.   Tinukoy nito ang nasa […]

  • Relasyong Duterte-Sara , ‘May tampuhan pero nagmamahalan’- Sec. Roque

    “May tampuhan, pero wala pong kaduda-duda, nagmamahalan ang mag-ama.”   Ito ang naging paglalarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa relasyon ng mag-amang Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte matapos na hindi magustuhan ng Chief Executive ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente gayong nangunguna ito sa survey sa pagka-pangulo.   […]

  • Pinoy seaman na may COVID-19 ‘Indian variant’ pumanaw na; 11 gumaling na

    Pumanaw na ang isang Pilipino seaman na tinamaan ng B.1.617, ang variant ng COVID-19 na unang natuklasan sa India.     Ayon sa Department of Health (DOH), noong Biyernes, May 21, nang bawian ng buhay ang lalaki.     Kabilang siya sa siyam na crew ng MV Athens Bridge na nag-positibo sa tinaguriang “Indian variant.” […]