Pamilya ng mga sundalo, pinapasama na ni PDu30 para sa libreng bakuna ng gobyerno
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na isama ang pamilya ng mga sundalo sa priority list na mabigyan ng COVID vaccine.
Partikular na naging utos ng Chief Executive na isama ang mga ito sa mga mauunang maturukan na gagawin sa kampo ng militar.
“So ang sunod niyan is — mauna kayo. And if the Secretary Galvez would — sabihin ko sa kanya kasali na ‘yung pamilya ninyo. Magpunta ‘yung mag-inject sa mga kampo, tuturukan pati ‘yung mga anak ninyo,” ayon sa Pangulo.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na walang babayaran at libre ang kanyang alok sa mga sundalo.
“So ito lahat libre ito. [applause] Libre ‘to. So that you would depend… Para hindi kayo mag-worry kung nandiyan na na ano kayang mangyari. Eh ano ito — this is a very vicious microbe,” aniya pa rin.
Mas mabuti na aniyang gawin ito para na rin sa katiwasayan ng mga pamilya ng sundalo at huwag ng mag- alala sa gitna ng peligrong banta ng COVID 19.
“At saka kaming lahat na karamihan sa mga kaklase ko, sa ka-batch ko, classmate ko, apat ang patay kasi matanda na. Kaya rin ako takot baka kasali na ako doon sa mag-expire sa aming Class ‘72 sa College of Law. Namamatay eh, diretso. So iyan ang… Pasensiya na kayo. I have to inject something,” lahad nito.
Sinasabing sa Marso at hindi na Pebrero inaasahang darating ang bakuna sa corona virus. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads August 13, 2020
-
EDSA @36 hitik sa panawagan vs ‘Marcos return’ sa Malacañang
SA DINAMI-RAMI ng mga pagkilos ngayong ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr., tila ibinubuklod ang karamihan nito sa iisang panawagan — ang pagpigil sa panunumbalik ng mga Marcos sa Palasyo ngayong 2022. Taong 1986 nang mapaalis sa Malacañang ang dating pangulo matapos ang mga protesta […]
-
Kilig na kilig ang aktres at siguradong iiyak nang husto: JOMARI, pangarap na makitang ‘walking down the aisle’ si ABBY
INAMIN ng aktor/car racer at Parañaque City Councilor na si Jomari Yllana na nasa plano na niya na pakasalan si Abby Viduya. Ayon kay Jom, matagal na nila itong napag-uusapan na kanyang beautiful pa rin na partner. Natanong nga ang celebrity couple sa media con ng Paeng Nodalo Memorial Rally na […]