• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom, nabawasan – SWS

NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan

 

Batay sa March 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), 9.8% na mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 2.7 milyong katao ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

 

Higit na mas mababa ito sa 11.8% hunger rate noong Disyembre 2022 at 11.3% o 2.9 milyon noong Oktubre 2022.

 

Gayunman, nilinaw ng SWS na nananatili pa ring mas mataas ito kumpara sa pre-pandemic period noong 2019. Lumalabas din sa survey na pinakamaraming nakaranas ng gutom sa mga pamilya mula sa Mindanao na nasa 11.7%. Sinundan ito ng Metro Manila (10.7%), Visayas (9.7%) at Balance Luzon (8.7%).

 

Isinagawa ang survey mula March 26-29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas.

Other News
  • Pre-Christmas tradition ng Santo Papa, kinansela dahil sa banta ng COVID-19

    Kinansela ni Pope Francis ang kaniyang taunang tradisyon na pre-Christmas rite sa darating na Disyembre 8 dahil sa COVID-19 restriction.   Ayon sa Vatican, na hindi muna isasagawa ng Santo Papa ang wreath laying ng bulaklak sa base ng 12-meter column katabi ang statue ni Madonna.   Nagdesisyon ang Vatican na hindi na isagawa ni […]

  • Ads February 7, 2020

  • LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año

    MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.   Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants.   Tinukoy nito ang nasa […]