Pamumuno sa ASEAN Sports ng PSC ipinasa
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
NANGAKO ang Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) sapagsuporta at pakikiisa pa rin kasabay sa paglipat sa chairmanship ng ASEAN Senior Officials Meeting on Sports (SOMS).
“Together, we continued with our endeavors, all for the betterment of sports and well-being of ASEAN community,” bulalas ni outgoing SOMS chairperson at Philippine Sports Commission (PSC) Deputy Executive Director Merlita Ibay nitong Huwebes via zoom video conferencing.
Kinumpleto ng bansa bilang tagapangulo ng ASEAN (SOMS) ang buong sirkulo nang manguna sa mga delegado ng ASEAN SOMS-9 at SOMS-10 2019.
Iniabot ni Ibay ang chairmanship patungong Singapore para kay Ministry of Culture, Community and Youth permanent secretary Tan Gee Keow.
Patuloy pa ring bagbahagi sa mga layunin ng ASEAN para sa pagtaguyod sa sports at pagtutulungan sa mga bansa sa rehiyon lalo na sa panahon ng Covid-19 ang PSC.
“When the chairmanship of SOMS was handed over to the Philippines, I requested your support to ensure that the activities under our term be successful. My warmest thanks to all of you, as you never failed us,” wakas na sambit ni ibay. (REC)
-
4 drug suspects arestado sa Calocan
APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas- 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng […]
-
Mahigit 70-M na national ID naipamahagi na ng PSA
MAHIGIT 70 milyon na mga Philippine Identification System ID (PhiID) at ePhilID ang naipamigay na sa mga rehistradong mamamayan. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ay hanggang Hunyo 16 na may kabuuang 70,271,330. Sa nasabing bilang aniya ay nasa mahigit 33 milyon dito ang nabigyan na ng card […]
-
Kai Sotto nagpakita ng maturity sa panalo ng Gilas laban sa Jordan
Tinanggap ni Kai Sotto ang desisyon ng kanyang coach na si Chot Reyes na i-sub out siya sa first half nang maluwag sa pagbawi niya sa kanyang sarili mula sa matamlay na simula sa pamamagitan ng malakas na pagpapakita sa third-quarter para pamunuan ang Gilas Pilipinas laban sa Jordan sa Fiba World Cup Asian Qualifiers […]